Bulaklak Para Sa’yo

Bulaklak para sayo2

 

 

Araw ng mga puso, sampung taon na ang nakakaraan, dumating sa bahay ang bunso kong kapatid.

“Kuya, saan si Mama?” Tanong ng kapatid kong Grade 4 na kakauwi lang galing school.

“Nandun sa kwarto.” Tugon ko sa kanya na tila ba may hawak at tinatagong bagay sa likod niya.

Pagpasok niya sa kwarto, “Ma, flowers for you.”

May dala pa lang bulaklak ang kapatid ko. Hindi ko alam kung project ba nila sa school o kusa lang talaga niyang ginawa. Basta may dala sya.

Lumabas ang Nanay ko sa kwarto at nakangiti.

“Oh Kuya, talo ka pa ng kapatid mo. Binigyan niya ako ng bulaklak na plastic. Saan ka pa, kahit plastic toh, pang lifetime naman.” Sarcastic at pabirong sabi sa akin ng Nanay ko.

Natawa ako sa birong yun ng Nanay ko, at the same time natuwa din ako sa ginawa ng kapatid ko. Kase nung nasa ganung edad pa ako parang hindi ko naman naisipang bigyan ng bulaklak ang Nanay ko.

Actually hindi lang nga sa ganung edad eh, na-realized ko na talagang hindi ko pa pala talaga nabibigyan ng bulaklak ang Nanay ko ever since.

Pero syempre, saglit lang pumasok sa isip ko yun. Parang dumaan lang. At bakit hindi, may date ako nung gabing yun. Nagre-ready na nga ako nung mga oras na yun eh.

Bago pumunta sa nakatakdang tagpuan, dumaan muna ako sa isang flower shop. Tiningnan ko yung presyo ng bawat bulaklak.

“Shemay, ang mahal talaga ng bulaklak kapag Valentines.” Reklamo ko sa sarili ko habang dinudukot si Ninoy sa pitaka ko.

Sabagay, law of supply and demand lang naman talaga yan eh. Hindi ka naman pwede bumili in advance kase malalanta.

So eto na, bitbit ko na yung bulaklak. Bukod sa namulubi ka na sa presyo, effort pa din pati sa pagdadala nito.

Pero okay lang, para sa ka-date naman eh.

Fast forward, naging maganda naman ang Valentines date. Smooth naman, everything went well.

Umuwi na ako at sumakay ng jeep.

“Maghahating-gabi na pala.” Banggit ko sa sarili ko habang nakatingin sa relo ko.

“Manong, sa tabi lang po.”

Habang naglalakad sa may bandang riles ng tren, nakita ko ang mga nagtitinda ng bulaklak.

Nilagpasan ko.

Mga ilang hakbang pa, huminto uli ako. Nag-isip. Bumalik.

“Makabili nga uli ng isa pang bulaklak, kahit man lang yung medyo mura.” Bulong ko sa sarili ko habang dinudukot ang ilang Manuel Roxas sa pitaka ko.

Tulog na ang Nanay ko nung dumating ako, kaya inilagay ko na lang muna sa loob ng ref, I mean, sa loob ng fridge (para mas sosyal pakinggan).

Kinabukasan, paglabas ko ng kwarto ko tinanong ako ng Nanay ko. “Kuya, kaninong bulaklak yung nasa loob ng ref?”

“Para sayo yan, Ma.” Tugon ko.

“Aba, buti naman Kuya at naalala mo din ako bigyan ng bulaklak. Akala ko girlfriend mo lang ang binibigyan mo ng bulaklak eh.” Biro ng Nanay ko sa akin na maaaninag ang ngiti.

Lingid sa aking kaalaman, yun na pala ang huling Valentines na makakasama ko ang Nanay ko. Ten (10) days bago mag Valentines day nung sumunod na taon, pumanaw ang aking butihing Ina.

Bigla kong naalala yung isang preaching na napakinggan ko noon. Useless na daw magbigay ng bulaklak sa mga namatay na kase hindi na nila ito maa-appreciate. Bakit daw karamihan ng mga tao naaalala lang magbigay ng bulaklak sa mga mahal nila sa buhay kapag patay na?

Tama nga naman. Hindi na nila mahahawakan yun, maaamoy at makikita kase nga wala na sila.

Kaya hanggang ngayon naiisip ko pa din yung gabing huminto ako at nag-isip kung bibili ba ako ng bulaklak o hindi.

At hindi ako nagkamali sa desisyon ko.

Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos na nabigyan ko ng bulaklak ang Nanay ko noong nabubuhay pa siya. At nagpapasalamat din ako na kahit papaano ay nasabi ko sa Nanay kong mahal ko siya.

Kung may konteng panghihinayang man ako, ito ay yung sana sina Josefa Llanes Escoda ang inilabas ko sa pitaka ko nung gabing iyon.

Pero alam ko namang kahit ano pang halaga nung bulaklak na binigay ko, na-appreciate pa din yun ng Nanay ko.

Sariwa pa din hanggang ngayon yung mga ngiti niya, na hanggang sa isip at alaala ko na lang ninanamnam.

 

*****

 

Malaki ang naituro sa akin ng pangyayaring iyon. Marahil, hindi ako ganito ngayon kundi dahil sa karanasang kong iyon.

Hindi na ako takot magbigay at magpakita ng pagmamahal sa mga taong importante at mahalaga sa akin.

Kaya sana ikaw din.

Hindi kase natin alam kung hanggang kelan tayo magtatagal dito sa mundo. Kaya huwag tayong matakot o mahiya na ipakita sa mga mahal natin sa buhay kung gaano natin sila kamahal.

Kung meron ka pang taong hindi nasasabihan na mahal mo sila, o kung hindi mo pa napaparamdam sa kanila kung gaano sila ka-importante sa buhay mo, ngayon na ang tamang oras para gawin mo yun.

Hindi next week. Hindi bukas.

Ngayon na.

 

– Jeff

 

 

P.S. Wala talaga sa plano kong isulat ang topic na ito sa blog ko. Sumagi lang siya sa isip ko nung pag gising ko kanina. Napanaginipan ko kase ang Nanay ko, at bigla ko siyang na-miss. Sakto, katatapos lang din ng araw ng mga puso. And how ironic na napanaginapan ko siya days after ng kanyang 10th year death anniversary. Kaya tingin ko ito ang tamang panahon para isulat ito. Naway may napulot kayong aral sa aking kwento. God bless!

 

Shades of Wanderer signature

Advertisements

57 Replies to “Bulaklak Para Sa’yo”

  1. paggising ko eto agad nabasa ko. ang ganda, kuya. thanks for writing this. i can’t remember if nabigyan ko na ng flowers ung nanay ko pero i always give her something i think she’d like. tanong ko siya if nabigyan ko siyang flowers. hehe

    Liked by 3 people

  2. Sobs. Ito agad ang hinanap ko pagkagising. Ang sarap sa puso. Naalala mo yung kwento kong hindi ako affected sa mga magjowang drama sa anumang palabas, pero pag family matters iyakin ako talaga? Kainis pinaiyak mo ko. Hahahuhu.

    Right now katabi ko ang mom dito sa bed habang tinatype ko to. Ang weird na tulog pa din siya. Nasanay akong gumising na nasa kusina na siya. Actually when you asked me kagabi kung anong oras ako gigising ngayon, kako wala akong planong gumising ng maaga. Pero naiimagine ko nun na gigisingin ako tiyak ng mommy pag nakaluto na siya ng almusal. Pero mukhang this time ako ang tatayo at magpeprepare ng almusal. At ako ang gigising sa kanya. Haha. Akala ko Valentines, Mother’s Day na pala. Wahahah.

    Nabigyan ko na siya ng bulaklak. Isang beses na Mother’s Day saka nung 60th birthday niya. Ngayon bibigyan ko siya ng Toblerone bilang paborito niya yun.

    Mahal ko kayo, guys, at masaya akong nakilala ko kayo. Halos araw-araw ko yata itong sinasabi no?

    Liked by 3 people

    1. Mabuti naman at nabigyan mo na ang mommy mo ng bulaklak. Tadtarin mo naman sya ng chocolates this time. Heheh..

      Hindi rin siguro aksidente na naisulat ko toh na nataong nandyan din ang parents mo ngayon. I-cherish mo yung every moment with them, pati na din sa mga friends and other loved ones mo. ☺ And yes, masaya din akong nakilala ko kayo. Mahal ko din kayo guys.. πŸ’—

      Liked by 2 people

      1. Naku maigi nga at hindi siya diabetic. Minsan mas masaya pa siya pag may nagbibigay ng chocolates sakin. Especially pag alam niyang sa kanya mapupunta. Wahahaha. Nagising siya kaninang hindi pa ako bumabangon. Sabi niya gusto daw niya ng tikoy, so ipinagluto ko siya.

        Very well written ang blog na ito. Punung-puno ng puso. 😍

        Liked by 2 people

      2. Fried tikoy with love. Heheh..

        Yah, i think first ever blog ko na ito na ‘personal’ talaga. Never pa ako nagblog about sa buhay ko. At mukhang maganda naman ang outcome. Little by little siguro baka ulitin ko yung ganitong pag susulat. Sana, sana.. 😊

        Liked by 2 people

  3. Shocks! Gusto kong maiyak while reading. Huhu! Yung bunso ko rin kasing kapatid. Nag-design talaga siya sa bahay namin ng kung anu ano dahil Valentine’s para sa parents ko. Bale sa kwarto nina Mommy ko niya nilagay. Ako, wala man lang binigay kahit ano. Alam ko namang gipit kami kaya wala akong binili. Pero iyong simpleng ginawa lang ng kapayid ko, natuwa sina Mommy at Daddy. Na-guilty ako, kasi ni hindi ko man lang sila nabati.

    Thank vyou for informing me about your story kuya. I’ll keep this in mind.

    Liked by 2 people

  4. Eto pala yun, tapos hindi ka maka-concetrate kasi puro mukha ko lang ang nakikita mo! hahah.

    Pero grabe, sobrang tagos ‘to, Beshiecake. Ang nice! Kaya ako everyday akong natawag sa parents at nagiiloveyou. Bilan mo naman si tita ng cake kapag nagkita ulet kayo sa panaginip. πŸ™‚

    Labyu, Beshiecake! Napakabuti mong tao, napakabuti nyo nila Rhea at Ely kahit hindi na tayo nagkakaintindihan sa gabi.

    Liked by 3 people

  5. naiyaka ako Jheff, nakakalungkot pero maraming salamat sa pagbahagi. Yung kapatid kong bunso laging binibigyan ng ulaklak o regalo ang mama kapag Valentine’s Day, never ata ako nakapagbigay 😦 maraming salamat sa paalala. (hugs)

    Liked by 2 people

  6. Petmaloo si nanay πŸ˜‰ sa mga katagang ito “kahit plastic toh, pang lifetime naman.” At iyong “akala ko girlfriend mo lang ang bbgyan mo ng bulaklak” πŸ˜πŸ˜€.

    Akalain mo iyon, hindi pa uso nuon lero tagos na makahugot ang mga era ng mga ninuno natin. Lol.

    Share ❀❀

    Liked by 1 person

  7. Isa ‘to sa mga major life’s frustrations ko. Ang iparamdam kay Mama na mahal ko siya. Sure, I provide for her needs. Pero na-realize ko lately na more than anything else mas gusto pa rin nila ng intimacy. Kaya sa Linggo (Mother’s day) plano kong i-treat ‘yong Mama ko at bilhan ng cellphone. Nong nakaraang buwan pa kasi siya nagpaparinig sakin. Haha.

    Salamat, Jeff for an eye-opener and moving article. Kudos ulit! (pang third comment ko na ‘to sa mga posts mo today) =)

    Liked by 1 person

    1. Tama, bilhan mo si Mother mo ng cellphone. Sakto, araw ng mga Ina sa linggo. Mapalad ka kase kasama mo sya mag celebrate, kaya i-cherish mo yung moment na yun. ☺

      Oo nga eh, pangatlong reply ko na din ito. Salamat sa pagbisita sa aking munting blog. 😊

      Liked by 1 person

Leave a Reply to The RheaSilient Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s