Mga uban sa ulo, pananakit ng katawan, paglabo ng mata, paghina ng pandinig, pagkilos ng mabagal, pagiging ulyanin, atbp., Ilan lamang ito sa mga senyales na ang isang tao ay matanda na o tumatanda na. Kadalasan ang pagtanda o ang pag-edad ay kinatatakutan ng ilan sa atin. Or kung hindi man kinatatakutan, gusto natin i-delay …
Ayala Triangle Gardens: May Oras Pa
Isa sa mga nakagawian ko nang gawin simula nung nakaraang taon ay ang maglakad-lakad muna sa palibot ng Ayala Triangle Gardens bago ako pumasok sa opisina. Halos kapitbahay lang kase namin ito. Kung medyo mahaba pa ang free time ko bago magsimula ang shift ko, minsan yung kahabaan ng Ayala Avenue ang nilalakad ko. Matik …
Sapat Na Ang Ilang Segundong Bidyo
Labingsiyam (19) na taon na ang nakararaan nung ma-interview ang Nanay ko ng The Probe Team (Che-Che Lazaro's production team) para sa aming undergarments business. Ang name nung show ay "Che Che Lazaro Presents", na umi-ere tuwing Sunday ng gabi sa GMA 7. Nandoon ako nung ininterview siya at napanood ko din ito nung ipinalabas …
Mga Nanalo Sa Pa-Giveaway Ni Mayor
Two (2) months ago ay ipinagdiwang ko ang ika-unang taon ko dito sa blogosphere. At dahil masaya ako na nakaabot ako sa unang taon ko sa mundo ng blogging, at dahil na rin sa mga taong na-meet ko dito, ay nagpa-contest ako kung saan kailangan lang nilang mag-comment kung ano sa mga blog post ko …
Aabot Pa Ba Ako?
Siyam na taon na ang nakararaan, nakaharap ako sa PC ko at gumagawa ng reports nang lapitan ako ng ka-officemate at ka-batch kong si Rolicys, o kung tawagin namin ay si Batang. Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang makipag kwentuhan. "Jeff, nakakalimang taon na tayo dito sa kumpanya. Kalahati na lang ang bubunuin natin …
Happy 1st Anniversary + Tips Para Sa Mga Babaeng Gustong Mag-solo Travel + Pa-Giveaway Ni Mayor
Happy First Anniversary Shades Of Wanderer! Wow! Parang kailan lang nung nagsimula akong mag-blog at i-dokumento ang mga biyahe ko. Nakakatuwa, one year na din pala. Naalala ko nung nagsisimula pa lang akong mag-blog, may nabasa ako na karamihan daw sa mga aspiring bloggers ay sa umpisa lang daw masigasig magsulat. At kadalasan, yung …
Mga Natutunan Ko Sa Gitna Ng Dagat
Tulog na ang mga tao sa paligid at wala na din signal ang phone ko. Ang tanging naririnig ko na lang ay ugong ng makina, habang dumadampi sa mukha ko ang hangin na ramdam na ramdam ko sa economy class ng barkong sinasakyan ko ngayon. Binuksan ko ang backpack ko. Kinuha ang isang kwaderno at …
Ano Nga Ba Ang Nakakapagpasaya Sa Atin?
"Someone else is happy with less than what you have." Isang araw matapos ang bakasyon ko sa Surigao at Cebu, nagkasalubong kami ng kapitbahay kong si Earl. Kasalukuyan kong inilabas saglit ang mga alaga naming aso habang siya naman ay pauwi galing sa isang inuman. "Oh Jeff, kelan ka pa nakauwi?" "Kagabi lang ako …
Bulaklak Para Sa’yo
Araw ng mga puso, sampung taon na ang nakakaraan, dumating sa bahay ang bunso kong kapatid. "Kuya, saan si Mama?" Tanong ng kapatid kong Grade 4 na kakauwi lang galing school. "Nandun sa kwarto." Tugon ko sa kanya na tila ba may hawak at tinatagong bagay sa likod niya. Pagpasok niya sa kwarto, …