“Delikado diyan ah?”
“Ingat ka sa Abu Sayaff.”
“Ang dami namang lugar, bakit dyan pa?”
Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong narinig yang mga statement na yan sa mga friends at officemates ko. I’m actually sick and tired hearing negative comments lalu na kapag lugar sa Mindanao ang binabanggit (ayan, napa-English tuloy ako).
Ang aking butihing Ina ay taga Mindanao, sa Siargao in particular. At noong maliit pa ako, tuwing mababanggit kong taga Mindanao ang Nanay ko o ang probinsya ko, kadikit na nun ang mga salitang “delikado”, “muslim”, atbp.. Bilang isang Mindanaoan, nakakalungkot, at the same time nakakainis makarinig ng ganyang mga komento.
Hindi ko naman sila masisisi kase ‘yun naman talaga lagi ang fini-feed sa atin ng media. Ano pa nga bang madalas laman ng balita sa mga telebisyon? Karahasan, politika, krimen, polusyon, korapsyon, pagtaas ng mga bilihin, tsismis, at marami pang iba. Bilang na bilang lang sa daliri ang good news na mapapanood mo.
Kaya nung nagkaroon ng sale ang Cebu Pacific, nag-decide akong magbook ng isa pang lugar sa Mindanao na hindi ko pa napupuntahan, at ito ay ang Zamboanga. Ang Zamboanga Peninsula ay binubuo ng tatlong probinsya. Ang mga ito ay ang Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.
At ang napili kong puntahan ay ang Pagadian, ang lungsod ng Zamboanga del Sur. Nakarating na ako sa Butuan, Surigao, Cagayan de Oro, Davao, Bukidnon at Iligan. Sa pagkakataong ito, gusto ko namang marating ang timog kanlurang bahagi ng Mindanao.
Karamihan sa mga pasyalan sa Zamboanga Peninsula ay ang mga nag gagandahan nitong talon. Hashtag #chasingwaterfalls ang peg ko nito. Ang unang plano ko sana ay mag-ikot ng isang araw sa Zamboanga del Sur, isa sa del Norte at isa sa Sibugay. Pero gawa ng galing pa akong Benguet bago ang byahe na ito, mas pinili na lang ng katawang lupa ko na mag-concentrate sa Pagadian.
Siguro kung bago-bago pa akong traveler, baka pinatulan ko na ang ganung ideya. Pero sa pagtagal ng panahon, nag-mature na din ako sa pagbyahe. Natutunan ko na ang magdahan-dahan or to take it slow ika nga. Mas mae-enjoy mo ang mga bagay-bagay kapag hindi mo ito minamadali. Parang pagkain lang, diba mas nae-enjoy mo siya kapag ninanamnam mo kesa sa minamadali? 😀
Kaya sa blog na ito, hayaan niyong ipakita ko sa inyo ang ilan sa mga napuntahan ko sa Pagadian.
*****
Isa sa mga paborito kong talk na napanood patungkol sa travel ay kay Tomislav Perko, isang travel writer from Croatia. Nilibot niya ang mundo gamit lamang ang kakarampot na pera sa bulsa niya. Gumamit siya ng ibang mga paraan gaya ng hitchhiking, volunteering, couchsurfing, working, etc..
Isa daw sa mga aral na natutunan niya sa pagta-travel ay ito, “I learned to tear down my prejudices. I learned not to trust media and all their horror stories.”
Habang nakiki-hitchhike daw siya sa Croatia papunta sa border ng Serbia, winarningan siya ng truck driver na sinasakyan niya na mag-ingat sa Serbia. Delikado daw doon, at masama daw ang ugali ng mga Serbians.
So nagpasalamat siya sa driver, at nang makarating ng border ay tumawid na ng Serbia. Nung nasa Serbia na siya, ang mga tao daw na nakasalamuha niya ay mababait, pinatuloy siya sa kanilang tirahan, pinakain, ipinasyal, atbp.. Sa madaling salita, nag-enjoy siya.
Nung naki-hitchhike siyang muli papunta naman sa border ng Bulgaria, binalaan din daw siya ng driver na sinasakyan niya na mag-ingat doon. Delikado daw sa Bulgaria, at hindi daw mapapagkatiwalaan ang mga Bulgarians.
So ganun uli, pagkatapos siyang maihatid sa border ay nagpasalamat siya sa driver at nagpatuloy sa kanyang paglalakbay. At gaya ng nangyari sa kanya sa Serbia, ang mga tao daw na nakasalamuha niya ay mababait, matulungin, atbp..
Ganun lang daw lagi ang nangyayari. Ang mga Croatians binalaan siya about Serbians, ang mga Serbians binalaan naman siya about Bulgarians, and then Bulgarians to Turkish people, Turkish to Iranians, Iranians to Pakistan, Pakistan to Indian people, and the list goes on.
Eye opening ito sa akin. Tama siya, minsan kailangan nating huwag magtiwala sa kung ano ang ipinapakita ng media sa atin. Mas ine-emphasize naman kase talaga ng media ang mga negatibong balita para pumatok at pag-usapan ito. At ganun din sa mga sinasabi ng ibang tao, huwag din basta maniwala lalu na’t sila mismo eh hindi naman napatunayan yung mga sinasabi nila or wala namang first hand experience.
Lahat naman yata ng bansa sa mundo ay mayroon talagang negatibong pwedeng ibalita. Lahat may kanya-kanyang flaws. Pero kung negatibo lang lagi ang pinagtutuunan mo ng pansin, paano mo nga naman makikita yung kabilang side? Yung good side? Minsan kase mas napapansin pa natin yung maliit na tuldok sa isang malinis na papel.
Of course, safety pa din ang number one priority natin. Pero huwag din nating hayaang malimitahan tayo nang dahil lang sa mga nadidinig at nakikita nating negatibo sa media o sa ibang tao.
“Truth is whatever people will believe.” – Roger Ailes
Carpe diem!
God bless everyone..
Wow, gusto ko maranasan ang dos pesos na barbeque na ‘yan. Interesante rin ang trike nila. Gusto ko masubukan! Napansin ko na ‘yung mga malong at shaol nila ay galling kamo sa Malaysia at ilang mga kalapit na isla. Siguro iyon na ang tinatawag ng mga guro namin na pakikipagkalakalan noon. Sa tingin ko ay mayroon pa rin ngayon.
LikeLiked by 1 person
Okay na ding panawid gutom yung 2 pesos barbeque. Budget meal. Heheh..
Oo, noon naman talaga barter trading lang ang way ng pakikipag-transaction natin sa mga karatig bansa. Sa case ng Zamboanga, since malapit lang ito sa Malaysia, binabangka lang nila iyon dati. Ngayon naghigpit na, pero yung kalakaran at palitan ng mga produkto ay nananatili pa din.
LikeLiked by 1 person
Para tuloy gusto kong tumira riyan. Gusto ko mamuhay na bangka lang ang transportasyon.
LikeLiked by 1 person
Oo nga, malayo sa polusyon at traffic. Simpleng pamumuhay.
LikeLiked by 1 person
Yes yes. Sarap siguro makalanghap ng sariwang hangin.
LikeLiked by 1 person
Ang charming ng Pagadian dibaaa! At unique. Isaw pa lang at tricycle, IBA. Haha. Maswerte ang mga piki kong paa at nakatapak ako rito. 😂
LikeLiked by 1 person
Oo, charming talaga. Sayang lang di ko napuntahan yung iba pang part ng Zamboanga. Ikaw ba? Napuntahan mo ba yung Sibugay at del Norte?
LikeLike
Hindi rin e. Pagadian lang. Hopefully next time. 🙏 Nirerekomenda ko rin yung Bukidnon. Napakaclose to nature ng vibe. Kahit saan ka tumingin may kulay berde. 😂
LikeLiked by 1 person
Yes, maganda din sa Bukidnon. Sana makabalik uli next time. 🙂
LikeLike
Wala bang Abu Sayaff? Hahaha.
Panay hugot ah. 😂
LikeLiked by 1 person
Hahaha. Isa ka pa!
Gutom lang siguro kaya panay hugot..☺
LikeLiked by 1 person
Gusto ko ring pymunta Dyan. Taga surigao ako na dito na sa manila. Sadly di ko pa napuntahan other areas in Mindanao.
LikeLiked by 1 person
Wow, taga Surigao ka din pala. Sana mapuntahan mo din someday yung iba pang mga lugar sa Mindanao. Sa ibang bansa ka na kase yata naka based ngayon noh, tama ba?
LikeLike
nope dito lang sa Manila pre
LikeLike
I see. Sige, enjoy sa mga future travels mo and nice to meet you here sa blogosphere. 🙂
LikeLike
My husband would love those waterfalls. And I’d love the colorful and festive feel of these places. 🙂 Ganda!
LikeLiked by 1 person
Thanks Lux G.. 🙂
LikeLike
Andaming falls, buti na lang wala kang nakasalamuhang pa-fall. Chos. Ang korny. KTNXBYE!
LikeLiked by 1 person
Muntik na nga din akong ma-fall eh. Hahaha.. 😁
LikeLike
Naniniwala ako sa sinabi mo tungkol sa mga tao. Maraming taon na ang nakararaan, sa isa sa mga biyahe ko, ay mayroon talaga akong lugar na napuntahan na nakakita talaga ako ng mga taong mgay mga dalang baril ngunit hindi naman kabilang sa puwersang militar ng bansa. At tinulungan nila akong makatawid sa isang ilog nang payapa. Marahil ito ay dahil sabi nga nila, mayroon at mayroon laging nananatiling kabutihan sa kaibuturan ng puso ng bawat isa 😉
LikeLiked by 1 person
Wow, saang lugar yun? Tama, ang kabutihan ng tao ay laging nandyan. Huwag lang nating husgahan agad. 🙂
LikeLike
Sa isang liblib na lugar sa Samar.
LikeLiked by 1 person
I see, sa Samar pala. 🙂 Salamat sa pagbisita sa aking munting blog, Miss N.. 🙂
LikeLike
Haha! Munti talaga? Walang munti sa mundo ng blogging, ‘pre haha!
LikeLiked by 1 person
Hahah.. Okay sige, hindi na munti..☺ Salamat muli..
LikeLike
Wow, saang lugar yun? Tama, ang kabutihan ng tao ay laging nandyan. Huwag lang nating husgahan agad. 🙂
LikeLike
Ang cute po nung pusa. Siya po ba ang lumapit or ikaw po? Haha.
LikeLiked by 1 person
Sya ang lumapit. Ang nilalapitan lang daw nyan yung may mga mabubuting kalooban.. ☺
LikeLiked by 1 person