Marajaw Karajaw sa Siargao

Procrastinate pa more! Hahaha..

Supposedly kase pang huling hirit sa tag-init sana itong post na ‘to. Ang kaso super late na bago ko ito nagawa, so paano na? Unang hirit sa tag-lamig na lang ba ‘to? Hahah.

Hindi pati nakatulong yung paglalaro ko ng Mobile Legends. Bukod sa nakaka-ubos na ng oras, nakakasira pa ng mood kapag natalo ka sa rank game. Tapyas ang stars mo. LOL

Anyways, ang importante nagawa ko na siya ngayon. Better late than never ika nga.

Just want to share itong byahe ko sa Siargao late last year. Sobrang malapit sa puso ko ang lugar na ito dahil taga dito ang aking mahal na Ina. At sa ilang beses kong pagpunta ng Siargao, never ko pa ito naikot talaga ng husto.

Kase nga naman usually kapag alam mong taga dun ka lang, hindi ka interesadong libutin yung lugar eh. Kaya this time I made sure na ma-explore ko na yung iba pang lugar sa Siargao.

How to get there:

  • Ang pinakamadaling way makapunta ng Siargao is by plane, which is Manila – Siargao flight. Ang kaso ito din ang pinakamahal.
  • So kung gusto mo makatipid, pwede mong gawing route ay Manila – Cebu (by plane), then Cebu-Surigao (by ship), and then last is Surigao – Siargao (by ferry).
  • In my case, ang ruta naman na ginawa ko ay Manila – Butuan (by plane), then Butuan – Surigao (van), then last is Surigao – Siargao (by ferry).

You can choose any of the three (3) options depende sa budget niyo or sa trip niyo. Kung ayaw niyong mapagod, definitely piliin niyo yung first option.

Kung gusto niyo namang makamura at makapag ikot-ikot pa sa Cebu (dahil sa gabi lang ang biyahe ng barko going to Surigao), you can use option number 2.

Kung trip niyo naman na mas mabilis ang biyahe compare sa option 2, and at the same time gusto niyo ng mas mura, then yung option 3 ang piliin niyo.

Things to remember:

  • Kung gusto niyong mas mabilis ang biyahe from Surigao to Siargao, ang sakyan niyo ay fastcraft (350 to 450 PHP). 1 hour and 30 minutes lang ang byahe.
  • Pwede din kayo mag RORO, mas mura siya (100 to 180 PHP) kaso ang biyahe ay aabutin ng 3 to 4 hours.
  • Ang General Luna ang madalas talagang puntahan sa Siargao dahil nandito talaga ang magagandang waves. May mga surfing spot din naman in other parts of Siargao, pero sa General Luna kase whole package na ang mga alon na nandoon. Meron para sa beginner, intermediate at para sa mga advance.
  • Mag rent kayo ng motor/scooter. Sobrang laki ng General Luna. Akala ko nung una para lang siyang Boracay na kaya mong lakarin from Station 1 to Station 3. Hindi pala, sobrang laki niya na para makagala ka ay kakailanganin mo talaga ng motor.
  • Ang pag-rent ng motor o scooter ang nagri-range from 350-450 a day. Sulit na ‘yun kase makakagala kayo kahit gabi. Mahihirapan na kayo maghanap ng tricycle kapag alanganing oras na.
  • Ang mga gasolina na mabibili sa General Luna ay usually nakalagay sa bote ng softdrinks (1 liter) na nakadisplay lang sa tabing kalsada or tindahan. Kung babyahe kayo at alam niyong gagabihin kayo, make sure na full tank na yung motor niyo kase mahirap na humanap ng mga nagtitinda ng gasolina kapag alanganing oras na.
  • Tutal nasa Surfing Capital of the Philippines ka na, abay dapat lang na subukan mo ding mag-surf! Ang one (1) hour na surfing ay nagri-range from 400-500. Kasama na dun ang instructor at surfing board.
  • Kung gusto mo ng taga picture sayo habang nagsu-surf ka, maraming nag-aalok dun. Usually ang singil nila is 200-300 per hour, depende na lang sa pakikipag-usap niyo.
  • Cellphone niyo ang gagamitin sa pagkuha sa inyo. Kahit hindi waterproof ang phone niyo, huwag kayo mag-alala kase eksperto na ang mga taga kuha ng picture/video dun. Kapag may paparating na alon, inaangat lang nila yung kamay nila para hindi mabasa yung phone. At kapag malaki talaga yung alon, minsan sinasabayan na din nila ng talon para sure. Hahah.
  • Sabi ng mga taga dun, mas maganda daw mag-surf sa umaga kase mas malaki ang alon. Nung nag-try kase ako, sa hapon ako nagpunta eh kaya medyo pa-lowtide na. Mas madali daw makatayo sa surfboard kapag maganda ang alon.

*****

Dapa Island
Eto ang sample ng mga Fastcraft na pwede mong sakyan going to Siargao (Dapa port)

 

 

Fastcraft Siargao
Tourist ang kinuha namin at aircon siya sa loob. Kumportable naman ang mga upuan, at kumpleto din sa mga life jackets.

 

 

Guyam Island Siargao
Huwag niyo kalimutang mag-island hopping sa Siargao. Madaming mga instagrammable shots. Pero di ko na ipo-post lahat. Hahah.. Ito ay sa Guyam Island.

 

 

Guyam Island Siargao
Part pa din ito ng Guyam Island pero sa may likod na siya banda. Merong buhangin na part, meron din namang puro bato gaya nito.

 

 

Daku Island Siargao
Ito naman ay sa Daku Island. From the word “daku” meaning malaki. Ito kase ang pinakamalaki sa tatlong (3) isla na pupuntahan niyo. Kung sa Guyam ay sand at mga batuhan, dito naman sa Daku island ay puro coconut trees. Maganda umanggulo sa mga puno diyan, kaso ingat din kase muntik na kaming mahulugan ng buko. Hahaha.

 

 

Naked Island Siargao
And lastly, ito naman ang Naked Island. Hindi po naked ang mga tao dito ah? LOL. Kaya siya tinawag na naked kase walang kahit anong puno sa isla na ‘to. Kaya huwag kalimutang magbaon nang sangkatutak na sunblock kung plano niyong mag picture-picture dito ng matagal.

 

 

Boardwalk Siargao
The famous boardwalk of Siargao. Hindi kumpleto ang Siargao experience mo kung wala kang picture dito. Ginawa ang boardwalk na ito para may malalakaran ang mga surfer para papunta sa part ng dagat na may malalaking waves. Mabato din yung ibang part ng dagat dito, so with this boardwalk mas madaling makakapaglakad ang mga tao papunta sa malayong part ng dagat especially during low tide.

 

 

General Luna Siargao
At syempre tutal na sa Surfing Capital of the Philippines ka na rin lang, aba eh dapat masubukan mong mag-surf dito. Ganda ng shot ko dito pero ang totoo mga ilang segundo after that laglag din agad ako sa board. Una pa mukha sa dagat. Hahah..

 

 

Siargao Surfing General Luna
Bago mo ma-achieved ang magandang shot na nakatayo ka sa surfboard, medyo mga ilang balentong at inom ng tubig muna ang mararanasan mo. Hahah. Joke lang, hindi naman ako nakainom ng tubig gaya nang nararanasan ng iba. Actually sa ika-tatlong try ko yata nakatayo na ako sa surfboard.

 

 

Siargao Surfing General Luna
Tinakpan ko na mukha ko dyan kase hindi kaaya-aya. LOL. Yung itsura ko kase dyan mukhang nag-i struggle talaga tumayo. Pero once na nagawa mo na yung ganyang pose, you’re halfway na. Konte na lang at makakapag surf ka nang tunay.

 

 

Siargao Surfing General Luna
At eto na, finally! Ngiting tagumpay si Mayor! Wohooo! Sarap ulit-ulitin. Ang sarap pala makipaglaro sa alon. Mahirap sa umpisa pero once makuha mo na yung diskarte, easy na lang siya. Take note din pala na magdala kayo ng Salonpas or Katinko kase siguradong masakit ang katawan niyo pag-uwi. πŸ˜€

 

 

Siargao Surfing General Luna
Bago kami umuwi, sinabihan muna namin si Kuya trike driver na idaan kami sa mga puno-puno for picture taking. Ang ine-expect kong view ay yung along lang mismo sa kalsada tapos may matataas na puno ng niyog sa paligid. Pero dito niya kami dinala, sa mataas na part para kita yung malawak na coconut trees. Galing ni Kuya, sakto, perfect for my signature talikodgenic shot.. πŸ™‚

 

*****

Months before ng biyahe na ito, ako at ang aking pamilya ay may pinagdaraanang pagsubok. Kaya akala ko hindi na matutuloy ang trip na ito. Mabuti na lang at habang lumilipas ang mga buwan ay unti-unti nang umaayos ang lahat.

Habang nasa Siargao ako, na-realized ko na ang buhay ay para lang din pagsu-surf. Ang mga alon ang nagsisilbing mga pagsubok sa buhay natin. Matutumba tayo ng ilang beses, masasaktan, madidismaya, magkakaroon ng doubts, fears, etc..

Pero sa tulong ng Diyos, at sa suporta ng mga mahal natin sa buhay, ang mga problema ay malalagpasan din natin. Gaya sa surfing, after ng mga hirap na dinanas mo ay mararanasan mo ding makatayo at maging masayang muli.

Huwag tayong susuko mga kapatid, lavern lang! Hindi lang ‘yan para sa inyo, kundi reminder ko din sa sarili ko.

Hanggang sa muli! πŸ™‚

 

You cant’ stop the waves, but you can learn to surf.” – John Kabat-Zinn

 

Carpe diem!

God bless everyone..

P.S. May podcast nga din pala ako about Siargao. Pwede niyo pakinggan while driving or habang nagco-commute. Yung iba pang info about Siargao binanggit ko po sa podcast. Enjoy listening and please subscribe.. πŸ™‚

Shades of Wanderer signature

51 Replies to “Marajaw Karajaw sa Siargao”

    1. Mukhang doable naman sayo ang pagpunta sa Siargao. Pero yung ako ang pupunta naman dyan sa Maldives, medyo di ko sure. Kelangan magbenta ng balun-balunan para magawa sya. Hahaha..

      Like

  1. Hahaha, natawa ako doon sa muntik na mabagsakan ng buko at ‘yung Naked Island. Pero bumawi ka naman doon sa last part na kung paano mo nirelate ‘yung surfing sa pinagdaanan mo.

    Ganda po talaga ng Siargao Sir Jeff. Sana paguwi ako makapunta din ako diyan. Salamat sa travel tips πŸ™‚

    Liked by 1 person

    1. Oo, as in nahulog ng solid yung buko sa lupa. Nagulat ako eh. Hahah.. Mabuti na lang tapos nako sa pictorial. ☺

      Sana nga mapuntahan mo din sya soon. Aabangan ko ‘yan.. πŸ™‚

      Liked by 1 person

    1. Sorry to hear that. Oo nga eh, many activities and vacations was cancelled due to Covid-19. I have 2 short vacay as well pero cancel din. Di bale, ituloy nyo na lang uli after this pandemic. Sa ngayon ang importante maging safe tayo at malagpasan natin itong pagsubok.

      Like

  2. Wayup. Nakakainggit. Dream destination ko ito na sana magawa ko sa birthday ko this year. Naka mask ako while surfing.

    Mas masaya siguro yung mag-stopover sa Cebu para mapasyalan na rin ang Cebu. So in total, kung option 2 magkano lahat lahat gastos? Hahaha ginawa kita travel agency. Post post ka ganito, i-take advatange na kita. Char pero salamat kung sasagutin mo.

    Liked by 1 person

    1. Hahaha.. Mukhang magandang fashion nga yun, naka mask while surfing.

      Kung mag option 2 ka, let’s say 1500 ang 1 way plane mo (promo) ng Manila-Cebu, tapos yung barko (Cebu-Surigao) is 800, then ferry (Surigao-Siargao) is 350, tapos trike na special (Dapa port to Gen. Luna) is 300. Total is 2,950 ang 1 way.

      Add ka pa siguro ng 800-1k sa taxi sa Cebu para makapag city tour ka ng konte, so mga 4k ang 1 way mo. Pwede pa yan magmura kung piso fare ang makukuha mo. Hindi na din masama yung 4k na one-way. Nakapunta ka na ng Cebu, Surigao at Siargao nyan. Kung may ipapa-quote ka pa mam, message ka lang po anytime.. 😊

      Liked by 1 person

      1. Thank you Jeff sa pagsagot, malaking tulong ito! Hahaha nakaklungkot magplano ngayon, pero naiisip isip ko na dahil sa kabaliwan na hindi makalabas. Oo, magmessage ako kapag malapit lapit na. Salamat sobra! πŸ™‚

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s