Ano Nga Ba Ang Nakakapagpasaya Sa Atin?

“Someone else is happy with less than what you have.”

 

Isang araw matapos ang bakasyon ko sa Surigao at Cebu, nagkasalubong kami ng kapitbahay kong si Earl. Kasalukuyan kong inilabas saglit ang mga alaga naming aso habang siya naman ay pauwi galing sa isang inuman.

“Oh Jeff, kelan ka pa nakauwi?”

“Kagabi lang ako nakabalik galing Cebu.”

Sabay shake hands at tapik sa balikat.

“Mabuti ka pa, pa biyahe-biyahe na lang, samantalang ako laging nandito lang sa bahay.” Umiiling na banggit ni Earl.

“Eh ikaw nga tingnan mo nga yung naipundar mo, may sarili ka nang sasakyan at paupahan.” Sabay turo ko sa kanyang tatlong palapag na apartment.

“Oo, fulfilling din makita yung mga naipundar ko, pero ang tanong masaya ba ako?”

“Tingin ko naman masaya ka.” Tugon ko kay Earl. “Kita mo nga may pamilya ka na, yung baby mo pati lumalaki nang kamukha mo. Eh samantalang ako, eto binata pa din.”

“At least ikaw nae-enjoy mo yung pagkabinata mo. Nakakapunta ka sa iba’t ibang mga lugar at nakakakilala ng iba’t ibang tao. Ako, hindi ko na magagawa yan kase pamilyado na ako.”

“Mukhang madibdibang usapan ito.” Bulong ko sa sarili ko.

“Ipasok ko muna saglit ‘tong mga aso Earl, balik ako agad.”

Pagkaraan ng isang minuto, lumabas akong muli ng bahay habang si Earl naman ay nagsisindi ng kanyang yosi.

“Bakit mo naman nasabi yung mga ganun, Earl? Samantalang sa ating lahat na magkababata, ikaw ang isa sa mga nilu-look up ko. Natutuwa nga ako sa mga achievements mo sa buhay.”

“Minsan kase Jeff hindi naman mga achievements sa buhay ang magpapasaya sa atin. Kadalasan nga kung ano pa yung mga maliliit na bagay, yun pa yung mas nakakapagpasaya sa atin.”

“Oo, alam ko yung iba nating mga kababata maaaring naiinggit sa akin, pero bakit sa case ko ako naman ang naiinggit sayo? Simple lang naman ang ginagawa mo, ang magbiyahe. Pero nakikita ko masaya ka.”

Lumapit ako kay Earl, ipinatong ang aking kanang kamay sa kanyang kaliwang balikat, at nagbigay ng kaunting payo.

Pagkatapos namin mag-usap ay pinatay na ni Earl ang sindi ng kanyang yosi at umuwi na kami sa kanya-kanya naming tirahan.

 

*****

 

May mga realizations ako sa aming pag-uusap.

1. Napagtanto ko na minsan yung bagay na kinaiinggitan o pananaghili natin sa kapwa natin, ay maaaring normal lang sa kanila. At yung mga bagay naman na tingin natin eh normal o walang masyadong halaga sa atin, ang siya namang pinangingimbulo (envy) ng iba.

Gaya na lang ng kaibigan kong si Earl, na ang buong akala ko masaya na dahil sa mga naipundar niya, eh hindi naman pala. At ako naman na puro lang biyahe, na ang akala ko iniisip ng mga tao sa paligid ko na walang kwenta yung ginagawa ko, eh pinangingimbulo din pala ni Earl.

 

2. Lahat tayo ay pwedeng maging masaya — kahit sa simple at maliit na bagay lamang.

Nabanggit sa akin ni Earl na kapag pinapadala siya ng opisina nila for out of town, minsan nasa magarbong hotel siya naka check-in. Malaki nga daw yung kwarto, pero mag-isa siya. Masasarap ang mga hinahaing pagkain pero wala siyang kasalo.

Samantalang kapag bumibyahe daw ako, minsan sa hostel lang ako tumutuloy. Maliit lang ang kwarto, pero may mga kasama ako. Ang free breakfast ay toasted bread lang at kaunting palaman, pero at least may mga kasalo daw akong galing pa sa iba’t ibang bansa.

 

3. Hindi natin kelangan ikumpara ang sarili natin sa iba.

May napanood akong video kung saan ang isang lalaki na nakasakay sa isang sports car ay nakatingala at naiinggit sa taong nakasakay sa helicopter. Gusto daw niyang magkaroon ng sariling helicopter.

Habang nasa tabi naman niya ay isang lalaking nakasakay sa isang ordinaryong kotse, na naiinggit naman dahil sa kanyang sports car.

Sa tabi ng ordinaryong kotse, may lalaking nakasakay sa bisekla at nangangarap na sana ay magkaroon din siya ng sariling kotse.

Nagmamasid naman sa gilid ng waiting shed ang isang lalaking nakatayo habang tinitingnan ang lalaking nakabisekleta. Hangad niya na makabili ng isang bisekleta.

Habang sa isang bintana naman, nakatanaw ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair, naiinggit siya sa lalaking nakatayo kase may paa siya at pwedeng makapunta saan man niya gustuhin.

Hindi tayo magkakaroon ng kasiyahan at contentment sa buhay kung lagi na lang natin ikukumpara ang sarili natin sa ibang tao. Tanggalin natin ang inggit sa katawan natin, at bagkus ay magpasalamat sa Diyos sa kung ano man ang meron tayo ngayon.

 

*****

 

Bago matapos ang pag-uusap namin ni Earl, nabanggit niya sa akin na hindi naman talaga importante ang estado mo sa buhay o kung ano pa mang mga materyal na bagay na meron ka. Ang importante talaga sa lahat ay kungย masaya ka.

At tingin ko, tama siya.

Ikaw na nagbabasa nito, masaya ka ba?

Kuntento ka ba? O lagi mong kinukumpara ang sarili mo sa iba?

Ano nga ba ang nakakapagpasaya sa atin?

 

To be content doesn’t mean you don’t desire more.. It means you’reย thankful for what you have and patient for what’s to come.” – Tony Gaskins

 

P.S. Hindi pa ito yung entry ko para sa Cebu blog at hindi pa din ito yung official press release ko (see Rhea’s version and Ely’s statement). Mukhang napapanahon lang itong blog post na ito dahil holy week, kaya inuna ko na ito. At very timely din kase nung isang araw lang siya nangyari. So kung ganun, matatawag na ba itong pang lenten special? ๐Ÿ˜€

 

Hakuna matata!

God bless everyone..

– Jeff

 

Keep your lives free from the love of money and be content with what you have, because God has said,ย โ€œNever will I leave you; never will I forsake you.โ€

–ย Hebrews 13:5

 

 

Shades of Wanderer signature

 

Advertisements

40 Replies to “Ano Nga Ba Ang Nakakapagpasaya Sa Atin?”

  1. I think nasa point na ako na I compare myself to others not because naiinggit ako but just to push me more to better myself. Hehe If sayo traveling, writing talaga nagpapasaya sa akin, kuya. Pero I can’t say yet na masaya ako sa buhay ko. LOL Because I can do better than this. Fighting lang tayo until we don’t question ourselves anymore if masaya nga ba talaga tayo.

    Liked by 1 person

    1. That’s good na yung pag compare mo is to push yourself to be better, and not because of envy. Parang ginagawa mo silang inspirasyon kumbaga.

      Just continue writing since yan ang nagpapasaya sayo. Bata ka pa, kaya the best is yet to come. Basta importante masaya tayo ngayon. โ˜บ

      Like

  2. Indeed. Happiness is a matter of perspective. We must learn to live according to our means, and stop pushing ourselves with the lifestyle we cannot afford. Kung hindi ka mayaman, hindi naman ibig sabihin hindi ka na rin magiging masaya. Kung may mayaman na kakain sa 5 star resto, at ako naman eh kakain sa Jollibee, after the meal, we’ll both be equally satisfied and happy. Diba? Happy Easter everyone. ๐Ÿ™‚

    Liked by 1 person

    1. I couldn’t agree more. Happiness is just a matter of perspective. โ˜บ

      And yes, tama yung illustration mo. Wala naman pinagkaiba kung sa mamahalin sila kumain, tapos ako sa mumurahin lang. After kumain, parehas naman kaming busog. At kahit marami pa syang mabili na, let say sampung manok, hindi naman nya kayang ubusin yun sa isang upuan lang. So pantay pa rin kami. LOL

      Happy Easter Carlo, and welcome sa group. โ˜บ

      Like

  3. Relate ako sa post na to ๐Ÿ™‚ Minsan di maiwasan macompare ko sa sarili ko sa iba lalo pag nakikita ko mga tropa ka nyng highschool and college na more gala pero naisip ko iba iba tayo ng sitwasyon at alam ko si Lord binibigay nya kung ano talagang kailangan natin ๐Ÿ™‚ Kung hindi ako nag asawa ng maaga hindi ako magiging mature at responsable at siguro naging uto-uto ako sa mga magiging jowa ko haha! Naisave ako ni Lord sa mga taong pwedeng manakit sakin ๐Ÿ™‚

    Liked by 2 people

    1. Actually alam mo ba Meg ako naman gusto ko magka pamilya ng maaga, kaya naiinggit ako gaya ng kaibigan kong si Earl na may anak na. Tsaka ikaw din, may mga chikiting ka na. Ganyan ang gusto ko.

      Pero yun nga, gaya ng sabi mo iba-iba naman tayo ng sitwasyon. May kanya-kanya tayong pace, kaya wag na tayo lumingon pa sa pace ng iba, bagkus maging happy na tayo sa kung ano man ang landas na tinatahak natin ngayon. โ˜บ

      Liked by 1 person

      1. Alamin mo kung ano ba talaga ang importante at nakakapagpasaya sa buhay mo.

        Minsan daw pinipilit nating makaakyat agad sa ladder kase gusto natin makipag sabayan din sa iba. Ang kaso yung iba pala sometimes end up climbing the wrong ladder.

        Like

      2. korek. parang inachieve lang nila yun to prove something no? very wrong. pero minsan tlga ganon eh, sa huli mo lang marerealize na hindi pala ayun ang happiness mo. pero atleast may na achieve kana. after that, go go kana sa happiness mo. ๐Ÿ˜‰

        Liked by 1 person

      3. Oo, kadalasan they do something to please the people they don’t like. Ikaw ba natatakot ka na baka you’re climbing up the wrong ladder? Huwag ka matakot, basta ipagpatuloy mo kung saan ka masaya.

        Like

  4. Isa sa mga reasons why I donโ€™t attend alumni homecomings. Kasi kadalasan, nagpapasikatan ng mga achievements sa buhay (which I guess okay at normal lang naman). But no one dare ask another kung masaya ba โ€˜to sa buhay niya. Hehe. Wala lang. Nga pala, mahusay ka magsulat, Sir. Mukhang may bago na naman akong blogsite na aabangan. Hehe. Kudos!

    Liked by 1 person

    1. Oo, usually sa mga ganyan payabangan naman talaga ang nangyayari. Di ko din trip umattend sa mga ganun. Babyahe na lang ako kesa umattend sa mga ganun. Heheh..

      Wow, thanks sa pag appreciate, sir! Baguhan pa lang din ako, pero salamat.. โ˜บ

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s