Procrastinate pa more! Hahaha..
Supposedly kase pang huling hirit sa tag-init sana itong post na ‘to. Ang kaso super late na bago ko ito nagawa, so paano na? Unang hirit sa tag-lamig na lang ba ‘to? Hahah.
Hindi pati nakatulong yung paglalaro ko ng Mobile Legends. Bukod sa nakaka-ubos na ng oras, nakakasira pa ng mood kapag natalo ka sa rank game. Tapyas ang stars mo. LOL
Anyways, ang importante nagawa ko na siya ngayon. Better late than never ika nga.
Just want to share itong byahe ko sa Siargao late last year. Sobrang malapit sa puso ko ang lugar na ito dahil taga dito ang aking mahal na Ina. At sa ilang beses kong pagpunta ng Siargao, never ko pa ito naikot talaga ng husto.
Kase nga naman usually kapag alam mong taga dun ka lang, hindi ka interesadong libutin yung lugar eh. Kaya this time I made sure na ma-explore ko na yung iba pang lugar sa Siargao.
How to get there:
- Ang pinakamadaling way makapunta ng Siargao is by plane, which is Manila – Siargao flight. Ang kaso ito din ang pinakamahal.
- So kung gusto mo makatipid, pwede mong gawing route ay Manila – Cebu (by plane), then Cebu-Surigao (by ship), and then last is Surigao – Siargao (by ferry).
- In my case, ang ruta naman na ginawa ko ay Manila – Butuan (by plane), then Butuan – Surigao (van), then last is Surigao – Siargao (by ferry).
You can choose any of the three (3) options depende sa budget niyo or sa trip niyo. Kung ayaw niyong mapagod, definitely piliin niyo yung first option.
Kung gusto niyo namang makamura at makapag ikot-ikot pa sa Cebu (dahil sa gabi lang ang biyahe ng barko going to Surigao), you can use option number 2.
Kung trip niyo naman na mas mabilis ang biyahe compare sa option 2, and at the same time gusto niyo ng mas mura, then yung option 3 ang piliin niyo.
Things to remember:
- Kung gusto niyong mas mabilis ang biyahe from Surigao to Siargao, ang sakyan niyo ay fastcraft (350 to 450 PHP). 1 hour and 30 minutes lang ang byahe.
- Pwede din kayo mag RORO, mas mura siya (100 to 180 PHP) kaso ang biyahe ay aabutin ng 3 to 4 hours.
- Ang General Luna ang madalas talagang puntahan sa Siargao dahil nandito talaga ang magagandang waves. May mga surfing spot din naman in other parts of Siargao, pero sa General Luna kase whole package na ang mga alon na nandoon. Meron para sa beginner, intermediate at para sa mga advance.
- Mag rent kayo ng motor/scooter. Sobrang laki ng General Luna. Akala ko nung una para lang siyang Boracay na kaya mong lakarin from Station 1 to Station 3. Hindi pala, sobrang laki niya na para makagala ka ay kakailanganin mo talaga ng motor.
- Ang pag-rent ng motor o scooter ang nagri-range from 350-450 a day. Sulit na ‘yun kase makakagala kayo kahit gabi. Mahihirapan na kayo maghanap ng tricycle kapag alanganing oras na.
- Ang mga gasolina na mabibili sa General Luna ay usually nakalagay sa bote ng softdrinks (1 liter) na nakadisplay lang sa tabing kalsada or tindahan. Kung babyahe kayo at alam niyong gagabihin kayo, make sure na full tank na yung motor niyo kase mahirap na humanap ng mga nagtitinda ng gasolina kapag alanganing oras na.
- Tutal nasa Surfing Capital of the Philippines ka na, abay dapat lang na subukan mo ding mag-surf! Ang one (1) hour na surfing ay nagri-range from 400-500. Kasama na dun ang instructor at surfing board.
- Kung gusto mo ng taga picture sayo habang nagsu-surf ka, maraming nag-aalok dun. Usually ang singil nila is 200-300 per hour, depende na lang sa pakikipag-usap niyo.
- Cellphone niyo ang gagamitin sa pagkuha sa inyo. Kahit hindi waterproof ang phone niyo, huwag kayo mag-alala kase eksperto na ang mga taga kuha ng picture/video dun. Kapag may paparating na alon, inaangat lang nila yung kamay nila para hindi mabasa yung phone. At kapag malaki talaga yung alon, minsan sinasabayan na din nila ng talon para sure. Hahah.
- Sabi ng mga taga dun, mas maganda daw mag-surf sa umaga kase mas malaki ang alon. Nung nag-try kase ako, sa hapon ako nagpunta eh kaya medyo pa-lowtide na. Mas madali daw makatayo sa surfboard kapag maganda ang alon.
*****
*****
Months before ng biyahe na ito, ako at ang aking pamilya ay may pinagdaraanang pagsubok. Kaya akala ko hindi na matutuloy ang trip na ito. Mabuti na lang at habang lumilipas ang mga buwan ay unti-unti nang umaayos ang lahat.
Habang nasa Siargao ako, na-realized ko na ang buhay ay para lang din pagsu-surf. Ang mga alon ang nagsisilbing mga pagsubok sa buhay natin. Matutumba tayo ng ilang beses, masasaktan, madidismaya, magkakaroon ng doubts, fears, etc..
Pero sa tulong ng Diyos, at sa suporta ng mga mahal natin sa buhay, ang mga problema ay malalagpasan din natin. Gaya sa surfing, after ng mga hirap na dinanas mo ay mararanasan mo ding makatayo at maging masayang muli.
Huwag tayong susuko mga kapatid, lavern lang! Hindi lang ‘yan para sa inyo, kundi reminder ko din sa sarili ko.
Hanggang sa muli! 🙂
“You cant’ stop the waves, but you can learn to surf.” – John Kabat-Zinn
Carpe diem!
God bless everyone..
P.S. May podcast nga din pala ako about Siargao. Pwede niyo pakinggan while driving or habang nagco-commute. Yung iba pang info about Siargao binanggit ko po sa podcast. Enjoy listening and please subscribe.. 🙂
Unang hirit bago mag tag-init haha…
Ganda talaga ng Siargao…sana makapunta rin me haha at makapagsurfing surfing 😅😅😅
LikeLiked by 2 people
Mukhang doable naman sayo ang pagpunta sa Siargao. Pero yung ako ang pupunta naman dyan sa Maldives, medyo di ko sure. Kelangan magbenta ng balun-balunan para magawa sya. Hahaha..
LikeLike
Grabe sya sa balun-balunan hahah
LikeLiked by 1 person
😁😁😁
LikeLike
hirit sa gitna ng tag-lamig at tag-araw lol
LikeLiked by 1 person
Hahahaha
LikeLiked by 1 person
Hahaha, natawa ako doon sa muntik na mabagsakan ng buko at ‘yung Naked Island. Pero bumawi ka naman doon sa last part na kung paano mo nirelate ‘yung surfing sa pinagdaanan mo.
Ganda po talaga ng Siargao Sir Jeff. Sana paguwi ako makapunta din ako diyan. Salamat sa travel tips 🙂
LikeLiked by 1 person
Oo, as in nahulog ng solid yung buko sa lupa. Nagulat ako eh. Hahah.. Mabuti na lang tapos nako sa pictorial. ☺
Sana nga mapuntahan mo din sya soon. Aabangan ko ‘yan.. 🙂
LikeLiked by 1 person
Sana all nakatayo sa surf board. LOL.
LikeLiked by 2 people
Sana all madaming pictures at video.. ☺
LikeLiked by 1 person
Bawi ako! Hahaha.
Tingnan mo sabi ko sayo eh meron kang pic sa mga niyog eh. 😂
LikeLiked by 1 person
‘Yan ay iilang piraso lamang.. 😁
LikeLike
Preeeees! Ganda ng boses mo sa podcast hahahhaha. Tsaka si Jeff, parang ka boses nya si Cong hahhaha.
LikeLiked by 1 person
Sino si Cong? Hahahah
LikeLike
Hahahaha youtuber pres. Funny guy hahahaha
LikeLike
Ay talaga ba? Ka-boses ko si Cong? Hahaha.. Cong version na walang pagmumura. 😁
LikeLike
Good job nakatayo ka sa surf board habang nasa alon!
Nakatayo lang kasi ako sa surf board ay nung lesson sa pangpang haha
LikeLiked by 1 person
Hahah.. Sa next try mo sigurado makakatayo ka na nyan. Dalawang kutsarang dagat pa at makakapag surf ka na.. 😁
LikeLike
Nice one. Nakakarelae ako dito kasi yung boracay trip namin with my family..wala pa rin. Sana makapunta na rin ako dito this year
LikeLiked by 1 person
Ay oo nga noh, nag Boracay nga pala kayo ng family mo. Pero okay lang kahit late yung blog, at least yung vlog mo nauna na. 🙂
LikeLike
Yung part 2 nun ang di ko pa nagagawa e
LikeLiked by 1 person
Abangan namin yang part 2. 🙂
LikeLike
Now I miss Siargao even more!!!! Havent tried surfing tho. Next time nalang hahaha!!! #fighting!!!
LikeLiked by 1 person
Yeah, next time i-try mo na. Ipatangay mo sa alon ang mga lungkot at problema. ☺
LikeLiked by 1 person
Buti may version ka dito sa wp. Dun kasi sa .com, hindi makapagcomment eh.
LikeLiked by 1 person
Oo, mas kumpleto actually ang blog ko dito sa WP. May mga personal blogs ako na hindi ko pinopost sa .com pero pino-post ko dito.
LikeLike
I have never been to Siargao but it was supposed to be our planned vacation after I graduate postgraduate internship but COVID19 happened so the future is very uncertain.
LikeLiked by 1 person
Sorry to hear that. Oo nga eh, many activities and vacations was cancelled due to Covid-19. I have 2 short vacay as well pero cancel din. Di bale, ituloy nyo na lang uli after this pandemic. Sa ngayon ang importante maging safe tayo at malagpasan natin itong pagsubok.
LikeLike
Wayup. Nakakainggit. Dream destination ko ito na sana magawa ko sa birthday ko this year. Naka mask ako while surfing.
Mas masaya siguro yung mag-stopover sa Cebu para mapasyalan na rin ang Cebu. So in total, kung option 2 magkano lahat lahat gastos? Hahaha ginawa kita travel agency. Post post ka ganito, i-take advatange na kita. Char pero salamat kung sasagutin mo.
LikeLiked by 1 person
Hahaha.. Mukhang magandang fashion nga yun, naka mask while surfing.
Kung mag option 2 ka, let’s say 1500 ang 1 way plane mo (promo) ng Manila-Cebu, tapos yung barko (Cebu-Surigao) is 800, then ferry (Surigao-Siargao) is 350, tapos trike na special (Dapa port to Gen. Luna) is 300. Total is 2,950 ang 1 way.
Add ka pa siguro ng 800-1k sa taxi sa Cebu para makapag city tour ka ng konte, so mga 4k ang 1 way mo. Pwede pa yan magmura kung piso fare ang makukuha mo. Hindi na din masama yung 4k na one-way. Nakapunta ka na ng Cebu, Surigao at Siargao nyan. Kung may ipapa-quote ka pa mam, message ka lang po anytime.. 😊
LikeLiked by 1 person
Thank you Jeff sa pagsagot, malaking tulong ito! Hahaha nakaklungkot magplano ngayon, pero naiisip isip ko na dahil sa kabaliwan na hindi makalabas. Oo, magmessage ako kapag malapit lapit na. Salamat sobra! 🙂
LikeLiked by 1 person
Walang anuman. Heheh.. Naway matupad ang iyong mga plano.. 🙂
LikeLiked by 1 person
Salamat 😁
LikeLiked by 1 person
Ngayon ko lang nalaman yung sa naked island hahhaha. Fun fact!
Tsaka kuyaaaa, may dali mask kaaaaa hahahhah loveeeet
LikeLiked by 1 person
Yeah, dali mask in naked island is a great combi. Hahaha.. Wanna try the mask? 😊
LikeLiked by 1 person
Hahhaha dapat naka red jumpsuit ka rin para protection sa araw 😀
LikeLiked by 1 person
Oo nga noh? Hahah.. Sige, hayaan mo magpapatahi ako next time. 😁
LikeLike
Nice blog
LikeLike
Na miss ko ito! Unang linya palang, Tawa na ako ng Tawa.
LikeLiked by 1 person
Hahah.. Masarap naman kase talaga minsan mag procrastinate, diba? ☺
Long time no hear ah? Musta na? Ingat lagi bilang ikaw ay isang frontliner.
LikeLiked by 1 person
Nagsend ba iyong Nobel ang response ko?
LikeLike
What do you mean Nobel?
LikeLike
Ni resend ko na iyong comment ko aa. Ang haba nga ee.
LikeLike
Ay ganun ba? Wala eh. Yan lang maiikli ang nalabas. Pa-resend. ☺
LikeLike
Wait, I aalala ko pa. Haha
LikeLike
Di na bale, baka hindi daw pang post dito sa comment section iyon. Hahaha
LikeLike
So iyon na jheff, kukumustahin dapat kasi kita before. Tapos kung kamuts na si dad mo. Then may nakita ako. Haha. May naalala tuloy ako. Haha. Kaya hindi na kita minesage. 😊😊
LikeLiked by 1 person
Ay ganun? Hahah.. Sige, pag-usapan na lang natin sa PM. Para sure na magse-send na. ☺
LikeLike
Hhahaa. Pwede pa ba? Baka may magalet na. Hahaha.
LikeLike
Wala. Mature na tayong lahat sa ganyang mga bagay. Leave that to teenagers. 🙂
LikeLiked by 1 person
great share
LikeLike