Ayala Triangle Gardens: May Oras Pa

Isa sa mga nakagawian ko nang gawin simula nung nakaraang taon ay ang maglakad-lakad muna sa palibot ng Ayala Triangle Gardens bago ako pumasok sa opisina. Halos kapitbahay lang kase namin ito.

Kung medyo mahaba pa ang free time ko bago magsimula ang shift ko, minsan yung kahabaan ng Ayala Avenue ang nilalakad ko. Matik ‘yan, parang naging routine ko na ang magpaikot-ikot sa Ayala Triangle bago sumabak sa stressful na trabaho.

Ang maglakad habang pinagmamasdan ang mga puno’t halaman, samahan mo pa ng musika na pinatutugtog mo habang nakasalpak sa tainga mo ang headphones, ay tunay ngang nakaka-relaks para sa akin. Masarap pati huminga at lumanghap ng sariwang hangin sa berdeng kapaligiran.

Bukod sa paglalakad-lakad, nakakatuwa din pa lang mag-obserba ng mga tao sa paligid ng Ayala Triangle Gardens. May iba na nagpi-picnic sa damuhan, may mga naglalaro, may nagja-jogging, may nag-eensayo ng karate, may nagyo-yoga, may nagre-review ng mga aralin, may nagtatawanan, may nag-eemote, atbp..

Narito ang ilang mga eksenang nakuhanan ko sa aking cellphone.

Harding tatlusok ni Ayala

Mga batang naglalaro ng football. Di hamak na mas masayang laruin ito kesa sa mga games natin sa smartphone.

Mga magkakaibigang naglalaro ng Pinoy Henyo..

Ipinapasyal ang alagang aso..

Si ate na payapang nagbabasa ng libro..

Si kuya na mahimbing na natutulog…. na nakadekwatro pa.


Nagpa-practice ng photography..

Flair bartending naman ang trip dito ni kuya..


May mga soloista din, pero minsan talikuran lang sila. Gaya nito, malay natin sila pala itinadhana, diba? Haha..

Mga foreigner na nagva-vlog. Todo explain si kuya dyan habang kinukuhanan siya ni ate. Nakailang take din sila niyan..


At syempre, hindi mawawala ang mga mag-jowa sa paligid. Sana may forver sila. Hahah..

****

Labinglimang taon na akong nagtatrabaho sa Makati, at last year ko lang na-appreciate ang lugar na ito, maging ang iba pang nasa paligid ng aming gusali. Sa maniwala kayo’t sa hindi, yung Manila Peninsula Hotel nga eh, araw-araw kong nadadaanan ‘yun pero hindi pa ako nakakapagpa-picture dun kahit isa.

Ano ba nga ang gusto kong tumbukin sa blog na ito?

Usap-usapan sa opisina namin na ilang buwan na lamang mula ngayon ay malilipat na ako, at ang iba ko pang mga kasama sa isang branch namin sa bandang South. Panibagong pakikisama, bagong environment.

Ang branch namin na ‘yun ay nasa gilid lang ng highway. Sa madaling salita, walang lugar dun na katulad ng Ayala Triangle Gardens. Wala na akong malalanghap na sariwang hangin, at ang berdeng kapaligiran ay mapapalitan na ng usok galing sa mga sasakyang dumaraan.

Bakit kung kailan nagsisimula na akong i-enjoyin ang mga bagay-bagay sa paligid, saka naman ito biglang ilalayo sa akin?

Pero hindi ako nagrereklamo. Handa akong harapin kung ano man ang nag-aantay sa akin sa bagong lugar na aking lilipatan. Malay natin, baka may mga bagong oportunidad na nag-aantay sa akin doon.

Sa labinglimang taon ko sa opisina namin sa Makati, naging comfort zone ko na ito. Panahon na siguro para lumabas ako sa kahon na ‘yun at i-explore pa ang ilang mga bagay.

Pero hindi naman talaga tungkol sa paglipat ko o ang Ayala Triangle ang gusto kong ibahagi dito. May mga napagtanto lang ako sa sitwasyon ko.

As cliche as it may sound (oh ayan, i-Englishin ko na ah), most of the time we only appreciate things when we lose it or until its gone.

In my case, hindi pa naman siya “gone”. Makakapaglakad-lakad pa din naman ako sa Ayala Triangle ng ilan pang mga buwan. Kaya ninanamnam ko na siya. At mas lalu ko pa siyang naa-appreciate ngayon kase alam kong hindi ko na siya magagawa uli gaya ng dati.

Makakadalaw pa din naman ako anytime sa Makati, pero syempre yung habit ko ng paglalakad-lakad para ma-recharge ay hindi ko na magagawa ng madalas.

Ikaw, may mga bagay ba sa buhay mo na importante pala sayo pero binabalewala mo lang? May mga kaibigan ka ba o mahal sa buhay na hindi mo napapansin masyado or naa-appreciate?

Hindi pa naman siguro huli ang lahat, brad. Pero aantayin mo pa ba?

Kaibigan, tara lakad tayo..

Hakuna Matata!

God bless everyone.

– Jeff

“You always know what you have, you just never think you would lose it.”

30 Replies to “Ayala Triangle Gardens: May Oras Pa”

  1. Yung 15 years sa Makati, one company lang? Sa lahat ng business district na napagtrabahuhan ko, pinaka gusto ko Makati kasi sobrang accessible niya at taga South ako, lol. Daming public transpo options yun nga lang traffic. Pero better than BGC kasi traffic-er dito. Anyway minsan talaga may mga moments na makakarealize tayo about the simple things in life. πŸ˜› Good luck sa new adventure, kung saan ka man mapunta πŸ˜€

    Liked by 1 person

    1. Oo Kat, yung 15yrs na yun ay sa isang company lang. Lahat ng mga officemates ko dito sobrang close ko na eh, kaya nakakalungkot na malilipat na ako sa ibang branch. Pero ganun pa man, ready na tayo dun. Heheh.. Thanks Kat!

      Liked by 1 person

    1. Ay ganun ba? Sayang naman, inaabangan yearly yung pailaw sa Ayala Triangle eh. Di bale, baka this coming December malay mo magawi ka uli ng Makati. Huwag ka lang pupunta sa mismong opening kase matao masyado..☺

      Liked by 1 person

      1. Oo last year. Maculot at nagpatong. πŸ™‚

        Nga pala lagi ko nadadaanan pauwi yung building nyo. Haha. Diba yung may Ministop sa gilid?

        Like

      2. Oo yun nga, yung may Ministop. Suki na kami dun. Kaya nga minsan libre na extra gravy ko kapag na-order ako dun ng fried chicken eh. 😁

        Like

  2. Hala nakalipat ka na ba?

    Alam mo, kaya dito, parang ayaw kong mamiss ang sunset, o mamiss ang paglangoy lalong lalo na pag napakaganda ng panahon. Kasi naiisip ko, di ko alam kung hanggang kailan lang ako dito at pag nakauwi na ako for good, baka di na ako makabalik dahil di ko na afford.

    Ganun talaga, kung di ka pa nakakalipat, sulitin mo na ang tatsulok.

    Nainggit ako kay ateng nagbabasa sa ilalim ng puno.

    Liked by 1 person

    1. Hindi pa ko nakalipat. Di pa alam kung April ba, May or June. Kung made-delay pa, the better.

      Tama, dapat yung mga bagay gaya nyang sunset, maganda at malinis na dagat, atbp., eh enjoyin mo na. Even small things i-appreciate na natin dapat kase hindi habang buhay nandyan ang mga ‘yan.

      Try mo din sa shore naman magbasa. Tapatan mo si Ateng. Heheh..

      Like

  3. waaah kakamiss ang Makati. Kelan ba nagawa yang Ayala Triangle na yan? Almost 3 years akong nagwork sa RCBC at trip ko lagi maglakad lagi nun from RCBC to Buedia MRT station/ Ayala MRT station pag pauwi. Oh well, that was 10 years ago, though. Shemay. Ang tanda ko na, hahaha

    Liked by 1 person

    1. Matagal na yata ‘tong Ayala Triangle Gardens eh. Nung nagstart ako mag work sa Makati a decade ago nandun na yata sya. Minsan kase may mga bagay na nandyan lang sa paligid natin, pero hindi naman natin pinapansin kase nakabaling ang atensyon natin sa iba. Hahah..😁

      Liked by 1 person

  4. Love this post. Found your comment on Kat’s blog and I’m glad I clicked your name.

    Nito ko lang din na-appreciate ang Ayala Triangle Gardens. Pumunta ako sa Taiwan earlier this month and nag-wonder ako noon kung naaappreciate kaya ng mga residente doon kung gaano sila ka-privileged/swerte sa public transport system nila at sa dami ng mga city parks everywhere. Pag balik ko sa atin + balik trabaho + balik sa usual routine, dumaan ako as usual sa Ayala Triangle Gardens on the way to work and naisip ko na, kelangan ko din maappreciate kung anong meron sa lungsod kung saan ako nagttrabaho. Madami pa sigurong hidden gems sa Makati na kelangan kong i-explore.

    Liked by 1 person

    1. Hello Rae. Alam mo ba, same thoughts nung nagpunta din ako ng Taiwan last year. Iniisip ko kung alam kaya ng mga Taiwanese na despite how small their country is, eh masagana at maganda ang bansa nila.

      Sumagi sa isip ko yun kase may nakilala akong Taiwanese dun, at sabi ko gusto ko yung bansa nila dahil ang ganda ng transportation system nila, tapos wala halos traffic, etc.. Nagulat sya sa sinabi kong yun, kase sabi nya kung sya naman daw ang papipiliin mas pipiliin daw nyang tumira sa Pinas. Ang mura daw ng mga bilihin, tapos ang babait din daw ng mga Pinoy na nakilala niya. Plano nga nyang magtayo ng business dito at bumili ng condo units (sobrang mura daw kase para sa kanya). Kung pwede lang daw mag swap ng bansa, sabi nya mag swap na lang daw kami. Hahah..

      I guess totoo nga yung kasabihang “The grass is always greener on the other side of the fence.” Sana lang mas maappreciate pa nating mga Pinoy yung ganda ng sarili nating bakuran. πŸ™‚

      Salamat pala sa pagbisita sa aking blog, Rae.. πŸ™‚

      Like

  5. Awww as always Kuya, laging kapupulutan ng aral ang mga post mo. Nakaktuwa iyong mga snaps mo sa Ayala Triangle. tagal ko rin nag work diyan. 6 to 7 years pero minsan lang ako nagawi jan. Wala nga akong mga awra pics diyan noon. Marami rin akog memories sa Makati.

    Liked by 1 person

    1. Thanks Grace. Last yata nating kita ay sa Ayala Triangle din, then after nun nag BGC tayo to play Avalon. Heheh.. Pag nagawi ka uli ng Ayala Triangle, don’t forget na to have awra pics. ☺

      Like

Leave a Reply to Jeff Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s