The Sunshine Blogger Award

Matagal-tagal na din nung huli akong na-nominate ng ganitong award. Medyo dine-delay ko lang dahil alam niyo na, busy sa trabaho at minsan sa mga gala. Pero since tatlo (3) na ang nag-nominate sa akin in a span of three (3) months, so sa tingin ko panahon na para gawin ko ito at sagutan.

I would like to thank Cha of littlemisadvencha, Lyn of itslifelyn and Laddie of Bebekohblogproject for nominating me and the rules for this award are as follows:

“The Sunshine Blogger Award is given to bloggers who are creative, positive, and inspiring. Once nominated, the blogger is required to write a post in which they:

  • Thank the blogger who nominated them and link back to their blog.
  • Answer 11 questions asked by the blogger who nominated them.
  • Nominate [at least] 11 other blogs and give them 11 new questions to answer.
  • Notify your nominees and display the Sunshine Blogger Award in your post.”

 

*****

Since tatlo (3) nga ang nag-nominate sa akin, it means 33 questions ‘yun. Medyo madami, baka tamarin na kayo magbasa. So kumuha na lang ako ng 5 questions each sa mga tanong nila.

 

Eto ang mga tanong ni Cha:

1. How did you get into blogging? Mahilig kase ako mag-byahe at gumala. At tuwing uuwi ako galing sa mga travels ko, punong-puno ako ng mga kwento na gusto kong maibahagi. Kaya ayun, naisipan kong gawin ang blog na ito. Ang buong istorya ay nandito sa link na ito.

2. What is your favorite post you’ve written? Ang pinaka paboritong post na naisulat ko ay ang Bulaklak Para Sa’yo. Ito ang kauna-unahang blog post ko na personal. Wala talaga akong planong magsulat dati na hindi travel-related post, pero this one talagang naramdaman ko na kailangan ko siyang isulat.

3….your favorite place you’ve ever been? Kung lugar dito sa Pinas, syempre yung Siargao. Sobrang malapit sa puso ko ang Siargao. Kung sa ibang bansa naman, so far ang pinaka favorite ko ay ang Japan. 🙂

4. What is the most adventurous thing you have ever done? Siguro nung nag-zip line ako sa Dahilayan Park sa Bukidnon. First time ko kase ‘yun, at sa longest dual zip line in Asia pa! At isama ko na din yung water rafting ako sa Cagayan de Oro.

5. What’s the best travel picture you’ve taken? Siguro yung selfie shot ko sa malaking alon sa Marinduque. Perfect shot eh, sakto yung paglamon sa akin nung alon. Haha..

 

Eto naman ang mga tanong ni Lyn:

1. From what part of the world are you? PILIPINAS kong mahal, perlas ng silanganan.

2. What is the most beautiful place to visit in your country? Naku, sobrang dami. Sa mga bundok at beaches pa lang, mananawa ka na sa dami ng pagpipilian.

3. What is your hobby? Dati I’m into photography. Pero lately mas nahihiligan ko na gumawa ng mga travel videos. Hilig ko din mag-play ng mga musical instruments gaya ng piano, gitara, drums, etc..

4. What kind of books do you read? Usually mga self-help books.

5. What is your biggest dream as a blogger? Yung hindi na ako magta-trabaho sa opisina –  yung tipong blog na lang talaga ang gagawin ko tapos at the same time nakakapag-travel pa ako sa buong mundo.

 

Last but not the least, eto ang mga tanong ni Bebekoh:

1. When did you start blogging? Last year lang ako nag-start. Medyo bago-bago pa lang.

2. What do you frequently write about and how often? Usually mga travel-related blogs. I try na makapag sulat kahit once or twice a month.

3. If you get popular, what do you want to be famous for? Why? Gusto ko maging Philippine athlete. Kahit anong sports, basta nire-represent ang bansang Pilipinas. Kung magiging sikat ako, ganung kasikatan ang gusto ko – yung makakapaghatid ng karangalan sa bansa. (Laban, Manny! :D)

4. What are you most passionate about? Siguro yung pagtugtog ko ng mga musical instruments, and of course serving our Lord through praise and worship. Next time magsu-sulat ako ng blog about dito sa topic na ito.

5. What do you look forward to in the next 10 years? Magkaroon ng sariling pamilya, maging isang mabuting ama at asawa, at maging successful sa buhay. Hindi naman kailangan na mayaman, kahit sapat lang. Ang importante masaya at kuntento sa buhay. Alam ko marami pang pwedeng mangyari, pero ‘yang mga bagay na ‘yan ang nilu-look forward ko. Positive mindset lang dapat, para positive din ang outcome. 😉 And of course, by God’s grace syempre.

 

*****

Ayan, tapos na ako sumagot. Ako naman ang magno-nominate. At dahil 15 questions ang sinagot ko, 15 ka-tao din ang ino-nominate ko. At sila ay ang mga sumusunod (in alphabetical order):

Aila – Life Of An Introvert 
Ely – Ang Aking Imaginary Girlfriend
Grace – Gurezu
Gypsea – Gypsea Journeys 
Keso – Say Cheese
James – Nostalgic Quest
Jas – Jassie’s World
Ji – Jirahlization
Kat – Katx Blog
Krishel – I Am That Small Girl 
Lhory – Left Pencil 
Precious Jas – Pinkeujas
Rhea – Exhibit A
Sensei – Bored Sensei
Space – Spacekoto

 

*****

Eto ang aking labing-limang katanungan:

 

1. Mas pipiliin mo ba ang trabaho na malaki ang sahod pero stressful, o maliit ang sahod pero walang stress?

2. Dapat ba na ang mag-jowa/mag-asawa alam ang password ng kanya-kanyang Facebook account?

3. Kung may body odor or bad breath ang kaibigan mo, paano mo siya sasabihan nang hindi siya mao-offend? O hindi mo na lang sasabihin sa kanya?

4. Ano ang iyong kahinaan?

5. Kung galit ka sa isang tao, ano ang dapat niyang gawin para mawala ang galit mo sa kanya?

6. Ano ang “craziest” thing na nagawa mo sa ngalan ng pag-ibig?

7. Ano ang mas masakit na klase ng break-up, yung dahil sa third party? O dahil hindi kayo itinadhana?

8. Anong pelikula ang tumatak at nagkaroon ng malaking epekto sayo?

9. Kung magsusulat ka ng libro na babasahin ng lahat, ano ang mensahe mo sa mundo?

10. Sino ang taong nag-iwan ng marka sa buhay mo at bakit?

11. Meron ka bang pinagsisisihan sa buhay?

12. Anong legacy ang gusto mong iwan sa mundong ito?

13. Ano ang pinakamahalagang aral ang natutunan mo sa buhay?

14. Kung may isang bagay na pwede kang baguhin sa iyong nakaraan, ano ito?

15. Saan ka mas naniniwala, sa destiny or sa free will?

 

*****

Walang pressure ‘yan mga kapatid. Sagutin niyo na lang kung may time na kayo. Kung hindi niyo rin trip sagutin, okay lang din. Pero syempre sana masagutan niyo. 🙂

Oh siya, hanggang sa muli.

Carpe diem!

God bless everyone.

 

Shades of Wanderer signature

 

Advertisements

42 Replies to “The Sunshine Blogger Award”

    1. Talaga? Walang sinabi yung zipline sa Dahilayan Nature Park sa zipline ng Lake Sebu?

      Oo, ibang experience yung water rafting. Will definitely try it again next time. Thanks sa mga questions. Bigla kong naalala yung mga adventures ko dati. ☺

      Like

  1. WAAAAAAAAAAHHHHHHH I’m so happy nominated ako wahahahaha akala ko eepal ulit ako eh… 😀 Gusto ko yung dream mo na marepresent yung bansa natin. Alam mo konti na lang may gusto niyan, mas gusto nila pera kaysa karangalan para sa bansa. Pero hindi ko naman sila masisisi… Ewan, love na love ko lang yung Pilipinas kahit na minsan sarap iwanan. Excited ako sagutan yung mga questions mo, mag eemote muna ako 😛

    Liked by 1 person

    1. Hahah.. Sabi ko naman sayo ino-nominate kita eh. Pero akala ko ba ayaw mo? 😊 Akala ko hindi ka talaga napatol sa mga ganito eh. Heheh.. Gawin mo na lang english yung tanong kung gusto mo syang sagutin sa english.

      Oo, syempre bansa natin ito eh. Dito na tayo pinanganak, kaya i-embrace na natin. Pero nakaka inlove pa din talaga ang Japan. Hahaha.. Sige, sagutan mo na lang after mo mag-emote at mag short break. ☺

      Liked by 1 person

Leave a Reply to RheaAngeline Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s