Matagal-tagal na din nung huli akong na-nominate ng ganitong award. Medyo dine-delay ko lang dahil alam niyo na, busy sa trabaho at minsan sa mga gala. Pero since tatlo (3) na ang nag-nominate sa akin in a span of three (3) months, so sa tingin ko panahon na para gawin ko ito at sagutan.
I would like to thank Cha of littlemisadvencha, Lyn of itslifelyn and Laddie of Bebekohblogproject for nominating me and the rules for this award are as follows:
“The Sunshine Blogger Award is given to bloggers who are creative, positive, and inspiring. Once nominated, the blogger is required to write a post in which they:
- Thank the blogger who nominated them and link back to their blog.
- Answer 11 questions asked by the blogger who nominated them.
- Nominate [at least] 11 other blogs and give them 11 new questions to answer.
- Notify your nominees and display the Sunshine Blogger Award in your post.”
*****
Since tatlo (3) nga ang nag-nominate sa akin, it means 33 questions ‘yun. Medyo madami, baka tamarin na kayo magbasa. So kumuha na lang ako ng 5 questions each sa mga tanong nila.
Eto ang mga tanong ni Cha:
1. How did you get into blogging? Mahilig kase ako mag-byahe at gumala. At tuwing uuwi ako galing sa mga travels ko, punong-puno ako ng mga kwento na gusto kong maibahagi. Kaya ayun, naisipan kong gawin ang blog na ito. Ang buong istorya ay nandito sa link na ito.
2. What is your favorite post you’ve written? Ang pinaka paboritong post na naisulat ko ay ang Bulaklak Para Sa’yo. Ito ang kauna-unahang blog post ko na personal. Wala talaga akong planong magsulat dati na hindi travel-related post, pero this one talagang naramdaman ko na kailangan ko siyang isulat.
3….your favorite place you’ve ever been? Kung lugar dito sa Pinas, syempre yung Siargao. Sobrang malapit sa puso ko ang Siargao. Kung sa ibang bansa naman, so far ang pinaka favorite ko ay ang Japan. 🙂
4. What is the most adventurous thing you have ever done? Siguro nung nag-zip line ako sa Dahilayan Park sa Bukidnon. First time ko kase ‘yun, at sa longest dual zip line in Asia pa! At isama ko na din yung water rafting ako sa Cagayan de Oro.
5. What’s the best travel picture you’ve taken? Siguro yung selfie shot ko sa malaking alon sa Marinduque. Perfect shot eh, sakto yung paglamon sa akin nung alon. Haha..
Eto naman ang mga tanong ni Lyn:
1. From what part of the world are you? PILIPINAS kong mahal, perlas ng silanganan.
2. What is the most beautiful place to visit in your country? Naku, sobrang dami. Sa mga bundok at beaches pa lang, mananawa ka na sa dami ng pagpipilian.
3. What is your hobby? Dati I’m into photography. Pero lately mas nahihiligan ko na gumawa ng mga travel videos. Hilig ko din mag-play ng mga musical instruments gaya ng piano, gitara, drums, etc..
4. What kind of books do you read? Usually mga self-help books.
5. What is your biggest dream as a blogger? Yung hindi na ako magta-trabaho sa opisina – yung tipong blog na lang talaga ang gagawin ko tapos at the same time nakakapag-travel pa ako sa buong mundo.
Last but not the least, eto ang mga tanong ni Bebekoh:
1. When did you start blogging? Last year lang ako nag-start. Medyo bago-bago pa lang.
2. What do you frequently write about and how often? Usually mga travel-related blogs. I try na makapag sulat kahit once or twice a month.
3. If you get popular, what do you want to be famous for? Why? Gusto ko maging Philippine athlete. Kahit anong sports, basta nire-represent ang bansang Pilipinas. Kung magiging sikat ako, ganung kasikatan ang gusto ko – yung makakapaghatid ng karangalan sa bansa. (Laban, Manny! :D)
4. What are you most passionate about? Siguro yung pagtugtog ko ng mga musical instruments, and of course serving our Lord through praise and worship. Next time magsu-sulat ako ng blog about dito sa topic na ito.
5. What do you look forward to in the next 10 years? Magkaroon ng sariling pamilya, maging isang mabuting ama at asawa, at maging successful sa buhay. Hindi naman kailangan na mayaman, kahit sapat lang. Ang importante masaya at kuntento sa buhay. Alam ko marami pang pwedeng mangyari, pero ‘yang mga bagay na ‘yan ang nilu-look forward ko. Positive mindset lang dapat, para positive din ang outcome. 😉 And of course, by God’s grace syempre.
*****
Ayan, tapos na ako sumagot. Ako naman ang magno-nominate. At dahil 15 questions ang sinagot ko, 15 ka-tao din ang ino-nominate ko. At sila ay ang mga sumusunod (in alphabetical order):
Aila – Life Of An Introvert
Ely – Ang Aking Imaginary Girlfriend
Grace – Gurezu
Gypsea – Gypsea Journeys
Keso – Say Cheese
James – Nostalgic Quest
Jas – Jassie’s World
Ji – Jirahlization
Kat – Katx Blog
Krishel – I Am That Small Girl
Lhory – Left Pencil
Precious Jas – Pinkeujas
Rhea – Exhibit A
Sensei – Bored Sensei
Space – Spacekoto
*****
Eto ang aking labing-limang katanungan:
1. Mas pipiliin mo ba ang trabaho na malaki ang sahod pero stressful, o maliit ang sahod pero walang stress?
2. Dapat ba na ang mag-jowa/mag-asawa alam ang password ng kanya-kanyang Facebook account?
3. Kung may body odor or bad breath ang kaibigan mo, paano mo siya sasabihan nang hindi siya mao-offend? O hindi mo na lang sasabihin sa kanya?
4. Ano ang iyong kahinaan?
5. Kung galit ka sa isang tao, ano ang dapat niyang gawin para mawala ang galit mo sa kanya?
6. Ano ang “craziest” thing na nagawa mo sa ngalan ng pag-ibig?
7. Ano ang mas masakit na klase ng break-up, yung dahil sa third party? O dahil hindi kayo itinadhana?
8. Anong pelikula ang tumatak at nagkaroon ng malaking epekto sayo?
9. Kung magsusulat ka ng libro na babasahin ng lahat, ano ang mensahe mo sa mundo?
10. Sino ang taong nag-iwan ng marka sa buhay mo at bakit?
11. Meron ka bang pinagsisisihan sa buhay?
12. Anong legacy ang gusto mong iwan sa mundong ito?
13. Ano ang pinakamahalagang aral ang natutunan mo sa buhay?
14. Kung may isang bagay na pwede kang baguhin sa iyong nakaraan, ano ito?
15. Saan ka mas naniniwala, sa destiny or sa free will?
*****
Walang pressure ‘yan mga kapatid. Sagutin niyo na lang kung may time na kayo. Kung hindi niyo rin trip sagutin, okay lang din. Pero syempre sana masagutan niyo. 🙂
Oh siya, hanggang sa muli.
Carpe diem!
God bless everyone.
LOL at question # 7. Parang napagdiskusyunan na natin to, tama ba?
LikeLiked by 2 people
Not sure.. 😊 Parang gusto ko palitan yung last question. Hhmm…
LikeLiked by 1 person
Ano nga yung last kanina, yung Ang Probinsiyano ba? Hahaha. Nagising ako dun sa tawa.
Mga tanungan mo talaga eh.. Podcast na yan! Haha.
LikeLiked by 1 person
Hahah.. Oo, yung sa Ang Probinsyano yun. Pinalitan ko na lang, para lahat seryoso na. And yes to podcast. 😊
LikeLiked by 1 person
Omo! HA HA thanks for nominating ☺️ will find time to answer questions later
LikeLiked by 1 person
Nabasa ko na. Thanks sa pagsagot..😊
LikeLike
Tay, ang hirap ng mga tanong. Pwede bang pass na lang lahat??? Haha. Lols.
LikeLike
Hahah.. Wag naman. Take your time lang, pero sagutan mo pa din. Kaya mo yan. ☺
LikeLiked by 1 person
Tito Jheff, bakit ako kasali? Haha. Susubukan kong sagutan pero parang di ko kaya. hahaha
LikeLiked by 1 person
Hahaha.. Syempre naman, kasali ka talaga dapat. Tsaka kaya mo yan. Ikaw pa ba? Kay James nga mani lang yung mga tanong eh. 😄
LikeLiked by 1 person
Si James yun eh. sobrang dameng naiisip nun saka walang masyadong kausap ngayon yun. hahaha
LikeLiked by 1 person
Hahaha.. Bored ba sya kaya maraming time? 😁 Mag skip ka muna ng isang episode ng kdrama para masagutan mo yan. 😊
LikeLiked by 1 person
HAhahaha. Kdrama yun eh. pero sasagutan ko sya, konting sipag pa. uy may pasok ka ng undas?
LikeLiked by 1 person
Dapat masagutan mo na yan bago ka mag Pulag, kase panibagong kwento na naman yun. Baka matabunan na. Heheh.. Oo meron, pero 8AM out nako. Why?
LikeLiked by 1 person
hahaha. eto na may sagot na ako. ipopost ko na. haha.
Ang aga ng out mo. eh nasa manila lang ako ng undas saka baka namimiss mo na ako.
LikeLiked by 1 person
Hahaha.. Thanks! Nabasa ko na. 😊 Sa Nov 2, san ka?
LikeLike
Andito pala kame sa Cavite.. Sa Saturday morning daw uwi namen. hehe
LikeLiked by 1 person
Okay sige, kita-kits soon..
LikeLiked by 1 person
Sa November ko na po ipost ang aking mga kasagutan. Hahahaa. Pinag-iisipan ko pa po yung iba. Hahahaha.
LikeLiked by 1 person
Hahaha.. Sige okay lang, November naman na bukas eh. 😊
LikeLike
galing! haha. Kuya try mo rin ang zipline ng Lake Sebu, walang wala yung sa Bukidnon. at, agree ako! ang sayang ng rafting sa Cagayan. haha!
Salamat sa pagresponde sa mga katanungan! Congrats. 🙂
LikeLiked by 1 person
Talaga? Walang sinabi yung zipline sa Dahilayan Nature Park sa zipline ng Lake Sebu?
Oo, ibang experience yung water rafting. Will definitely try it again next time. Thanks sa mga questions. Bigla kong naalala yung mga adventures ko dati. ☺
LikeLike
WAAAAAAAAAAHHHHHHH I’m so happy nominated ako wahahahaha akala ko eepal ulit ako eh… 😀 Gusto ko yung dream mo na marepresent yung bansa natin. Alam mo konti na lang may gusto niyan, mas gusto nila pera kaysa karangalan para sa bansa. Pero hindi ko naman sila masisisi… Ewan, love na love ko lang yung Pilipinas kahit na minsan sarap iwanan. Excited ako sagutan yung mga questions mo, mag eemote muna ako 😛
LikeLiked by 1 person
Hahah.. Sabi ko naman sayo ino-nominate kita eh. Pero akala ko ba ayaw mo? 😊 Akala ko hindi ka talaga napatol sa mga ganito eh. Heheh.. Gawin mo na lang english yung tanong kung gusto mo syang sagutin sa english.
Oo, syempre bansa natin ito eh. Dito na tayo pinanganak, kaya i-embrace na natin. Pero nakaka inlove pa din talaga ang Japan. Hahaha.. Sige, sagutan mo na lang after mo mag-emote at mag short break. ☺
LikeLiked by 1 person
Pabebe lang ako. Ang dami ko na kayang awards na eepal-an lol. Sasagutan ko talaga yan. 🙂
LikeLiked by 1 person
Congrats!😍
LikeLiked by 1 person
Thanks..😊
LikeLiked by 1 person
asan si nay rhea? pakopya ng sagot! hahahahahaha yung last na nagnominate sakin, ngayon ko palang na-post yung sagot ko. wag mo ko ijudge. hirap mag adulting. hahahahah
LikeLiked by 2 people
Wala pa syang sagot. Tatapusin muna siguro nya yung blog at video ng Davao trip nya. 😊
Ay ganun ba? So meaning masasagutan mo yung mga tanong ko by 2020 na? 😁
LikeLiked by 1 person
Thank God hindi na inabot ng 2020. hahahaha It’s up!
LikeLiked by 1 person
Hahah.. Salamat sa pagsagot ng aking mga katanungan. Nabasa ko na ngayon lang.☺
LikeLike
Mama Ji! Hahahahahha. Nag-eenjoy pa kong magbasa ng blogs niyo eh. Ang deep ng mga tanong ni Kuya Shades. Pero bibigyan ko ‘to ng time. Hopefully bago mag-end ang November. Wahahaha.
LikeLike
Deep nga talaga! Pero enjoy siya sagutin. 🙂
LikeLiked by 1 person
Sagutin mo na. Hahaha. Abangan ko mga sagot mo. 😊
LikeLike
meron na! dami kong time lately. haha
LikeLiked by 1 person
Congrats!
LikeLiked by 1 person