Medyo hindi ako masyadong makapag-concentrate habang isinusulat ito. Flight ko na kase pa-Japan in less than 2 weeks. Kaya naghalo na yung hang-over ko sa Taiwan at excitement ko sa Japan. Hahah..
Kaya bago pa man ako atakihin ng pagpo-procrastinate ko, eh tatapusin ko na ito para makapag-focus na ako dun sa isa. Hayaan niyong ikwento ko na lang muna ang byahe ko sa pamamagitan ng mga larawan.
*****
Sample Itinerary
Day 1: Must See Sites
-Yehliu Geo Park
-Shifen Old Street and Shifen Water Falls
-Jiufen Old Street
-Ningxia Night Market
Day 2: Taichung, Taiwan
-Park lane
-National Taichung Theater
-Miyahara
-Rainbow Village
-Gaomei Wetlands
Day 3 & 4: City Tour Bus (Di kumpleto ang Taiwan trip nyo pag walang picture
dito)
-Chiang Kai-Shek Memorial Hall
-National Palace Museum
-Shilin Night Market
-Ximending
-Taipei 101
-Wufenpu Clothing District
*****
Airfare:
Airline: Cebu Pacific
Price: 2,100 RT
Date Booked: November 2017
Accommodation:
– ColoMix Hotel and Hostel
– 5D/4N
– Single Bedroom
– 3,767.76 PHP
– Booked it via Traveloka app (with P500 off)
Tour:
– Yehliu, Juifen and Shifen Tour
– Booked it via Klook for P1,289
– with English speaking tour guide
– Free bottled water
– Explore on your own
– Just go back at the bus on or before the instructed time
Other Tours around Taipei:
– Taipei 101
– Taipei Zoo
– National Palace Museum
– Shung Ye Museum
– Lungshan Temple
– Maokong Gondola
– National Chiang Kai-Shek Memorial Hall
– National Dr. Sun Yat-sen Memorial Hall
– Xiangshan (Elephant Mountain)
– Martyrs’ Shrine
– Ximending Night Market
– Shilin Night Market
– Raohe Night Market
Foods to try:
– Bubble Milk Tea
– Xiang Long Bao
– Stinky Tofu
– Frozen Yakult
– Peanut Ice Cream
– Pineapple Cake Bar
– Flavored Potato on Stick
– Taiwanese Sausage
Transportation:
– Maganda ang train system ng Taiwan. Pwede mong maikot ang buong Taiwan by just using their train.
– Maganda din ang bus nila, komportable ang upuan at may wifi. May tamang sakayan din at babaan.
– Naka-indicate sa bus stop kung anong mga bus ang hihinto dun.
– May naka-indicate din sa loob ng bus (in Chinese and English) kung ano ang
next station na hihintuan niya.
– You can ride their bus and train by using EasyCard.
*****
NOTES:
– Kung galing kayo ng Taiwan Taoyuan International Airport, you can ride Airport MRT papuntang Taipei Main Station (main transportation hub) for P160 NTD.
– You can also ride a bus (esp. kung alanganing oras ang dating nyo). Baba lang kayo ng airport, may makikita kayong terminal ng bus. Sakyan niyo yung Bus 1819, papuntang Taipei Main Station din yan. Cost is 140 NTD.
– Yung EasyCard pwede niyong bilhin sa any train station or any branch ng Hi-Life. Cost is 100 NTD.
– Pwede niyong ma-reload ang mga EasyCard sa mga vending machines sa mga train stations.
– Ang EasyCard ay good for 1 person lang. Hindi mo pwedeng i-tap yung EasyCard mo para sa kasama mo.
– Kung magagawi kayo ng Jiufen, dun na kayo mamili ng pasalubong kase mura ang presyo nila dun.
– Kung hindi naman kayo magagawi ng Jiufen, may mga nakita din akong murang souvenirs sa Shilin Night Market
– Mahigpit ang Taiwan pagdating sa mga hand carry baggage. Nung pauwi na ako going to Manila, kahit nasa boarding gate na kami, yung mga airport personnel isa-isang nilapitan yung may mga dalang maleta para timbangin. Kaya kung nakalusot kayo sa Pinas, baka sa Taiwan hindi na kayo palarin. So better book additional baggage.
*****
Funny Moments:
– Ginamit ko ang 1000 bill sa vending machine. Nawala sa isip ko na hindi nga pala nagsusukli ang vending machine ng papel na pera. Kaya ayun, yung 600+ na sinukli sakin puro coins. Hahaha.. Ang bigat sa bulsa besh.. 😀
– Muntik ko pang maisuksok yung 1000 peso bill ko sa vending machine nila. Yung 1000 bill kase nila ay kakulay din ng 1000 bill natin. LOL
– Nagpunta ako sa isang bakery, akala ko automatic yung pinto (gaya ng ibang establishments nila). Pero kanina pa ako nakatayo dun, hindi pa rin bumubukas. Hanggang sa napansin ako ng isang customer, lumapit at may pinindot sa gitna ng pinto para bumukas. May instruction pala dun na ipe-press lang para bumukas. Di ko lang na-gets kase nakasulat sa Chinese. 😀
– Pumunta ako sa isang noodle house. Ang binigay sakin ay Chinese menu. Magtuturo na lang sana ako kung ano ang gusto ko dun based sa pic. Ang kaso, walang picture yung menu. Hahaha.. Buti na lang meron silang English menu, just ask for it. 🙂
– Kumain ako sa isang malaking shabu-shabu sa Taichung. Gusto ko magkanin, kaso wala silang kutsara. Kaya ayun, no choice kundi gumamit ng chopstick. Mabuti na lang malagkit ang kanin nila dun, kaya madaling dakutin. 😀
– Nag take-out ako ng stinky tofu at dun ko kinain sa kwarto ko. Ayun, kada pasok ko sa kwarto ang stinky.na tuloy. LOL
– Sa Taiwan lang ako nakatikim ng Haagen Dazs ice cream. Nag pull-out na kase sila dito sa Pinas. Dahil ba likas na kurips ang mga Pinoy, or ginto lang talaga ang presyo ng ice cream nila? LOL
– Ang sarap nung peanut ice cream nila. Kaso hindi ko ma-enjoy ng husto kase nangingilo yung ngipin ko, kaliwa’t kanan pa man din. Kasalanan ‘to ng dentista ko eh. Pinastahan lang niya ipin ko ganito na nangyari. 😀
– Turuan ko lang kayo sa ibang pronunciation nila ng mga lugar. Yung Zhulan ang tamang pagbigkas dyan ay Julan. Ang Fengyuan naman ay Fangyen, at ang Taoyuan ay Taoyen. Inabisuhan ko na kayo kase baka magaya kayo sakin. Feng-yu-an ang sinasabi ko eh Fang-yen lang pala ang pag pronounce nun. Haayss..
*****
Lesson to ponder:
Binisita ko ang kaibigan ko na matagal ng nagtatrabaho sa Taiwan. Sabi niya, kapag may bagyo daw na parating sa Taiwan, kahit na signal number 1 lang, ginagawa ng holiday ng gobyerno nila ang araw na yun.
Matatakutin daw yata sa bagyo ang mga taga Taiwan. LOL. So since ginagawang holiday kapag may bagyong parating, lahat ng pumapasok sa trabaho ay babayaran ng overtime pay. At ang madalas daw magtrabaho sa araw ng bagyo, ay walang iba kung ang mga Pinoy. 😀
Nasanay na din daw ang mga employer nila sa ganun, na kapag may bagyo, ino-offer nila yung trabaho sa mga Pilipino. Alam nilang hindi nagpapatinag sa bagyo ang mga Pinoy.
At bakit naman hindi? Eh dito nga sa Pilipinas kahit signal number #4 na at lubog na halos yung buong Metro Manila, pumapasok pa din tayo sa trabaho eh. How much more kung signal #1 lang diba?
Resiliency.
‘Yan ang word na tingin ko swak sa description ng kwento ko. Pinagtibay na tayong mga Pinoy sa mga dinanas nating bagyo kaya kahit gaano pa kasama ang panahon, baliwala na lang sa atin.
Parang sa buhay natin. Yung mga unos na dinaranas natin ang siya ding nagpapatibay sa atin. Kaya nga nandito pa din tayo ngayon eh — nakatayo pa din, lumalaban, hinaharap ang buhay, kase pinagtibay na tayo ng mga bagyong pinagdaanan natin.
Marami pang unos ang darating sa buhay natin. May signal #1, meron din namang hanging habagat lang, o di kaya super typhoon. Pero kahit ano pa man yan, sigurado akong mapapagtagumpayan natin yan.
Tandaan…. Resiliency.
So, ano na nga ba ang tagalog ng resiliency? 🙂
“Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go.” – Joshua 1:9
RELATED ARTICLE:
Carpe diem!
God bless everyone..
Nice post kuya Jheff!! Nakakahype pag nakakakita ako ng mga gantong post lalo na yung mga pics na nakaka relate ako. 😍 Looking forward to your Japan trip! Penge pointers kuya para may idea ako pag may budget na ako pang Japan 😂 More power!!!
LikeLike
Salamat at nagustuhan mo. Sige, mag take ako ng notes sa Japan trip ko para mai-share ko din dito. 😊 Thanks
LikeLiked by 1 person
Antayin ko yan kuya Jheff. 😁
LikeLiked by 1 person
Puro ice cream ang tumatak sakin sa mga kwento mo. Or sadyang narinig/nabasa ko na yung ibang mga kwento? Haha. Nainom ko na pala yung mga milk tea. 😊
LikeLiked by 1 person
Baka nabasa mo na siguro bago pa man ako umuwi ng Pinas. 😊 Haha.. Ano lasa? Masarap ba?
LikeLiked by 1 person
Lasang bulaklak yung pink. Rose ek ek kasi yung flavor. Kaya mas prefer ko yung yellow. Pero sana talaga natikman ko din yung isa. 😔 Haha jk.
LikeLiked by 1 person
Literal pala na rose ung flavor? Hahah.. Baka petals ng rose yun. LOL.. Oo nga eh, sayang yung violet na color, natapon eh. Di bale, next time bili uli ako. 😊
LikeLiked by 1 person
Btw hindi ko maitapon yung lalagyan. Kinuha ni Eliana yung pink. Hahaha.
LikeLiked by 1 person
Hahah.. Sabagay, maganda naman talaga yung lagayan eh. 😊
LikeLiked by 1 person
grabe mukang nag enjoy kau jan .. nkakabigla lng tlga ung signboards ng cake shop na npuntahan nyo hahaha..Milk tea is life enge.. joke lng po
LikeLiked by 1 person
Hahah.. Oo, enjoy naman ako. And yes, ang sarap ng milk tea nila dun.. 😊
LikeLike
hahaha I miss Taipei! hehehe meron ding Mall sa Taipei, 12 floors naman. each floor, iba iba ang paninda. may floor na puro camera, may floor na puro speakers and sound system. jusko. ang saya magwindow shopping hahahahaha
meron ka rin palang travel buddy! ang saken Minion hehehehe
LikeLiked by 1 person
Wow, ayos yun ah. Saan banda sa Taiwan yun?
Oo, lagi kong kasama yun. Madami na syang lugar na napuntahan.☺ Tingin nga? Ay, wala pa lang attachment dito. 😊
LikeLike
Tawang tawa ako dun sa umiihi na bear…Sinakto mo yun no? LOL At kay lola! HAHAHAHA mga nakukuha mo nga namang pic.
Sulit ba ang punta sa Taiwan? Kasi ang dami kong nakikitang cheap flights diyan pero pag nakikita ko yung mga travel posts parang meh lang siya…. Alam mo yun… Di ko sure kung parang Japan siya na maiiwan puso mo. Sympre sa hirap ng buhay ngayon, gusto natin yung mga travel natin yung mga sulit din talaga! So ano na Jheff, worth it ba? 😛
LikeLiked by 1 person
Hahaha.. Oo, sakto pag dating ko umihi at jumebs yung bear eh, kaya yun sinamantala ko na. LOL. Tsaka si Lola, ang sarap patulan. Kung hindi lang talaga matanda eh. 😁
Thank you for that wonderful question. Hahah.. Ah kase Kat, I believe, subjective yan eh. 😊
Di ko kase alam kung anong factor ang nakakapag-iwan ng puso mo sa isang lugar. Ako kase more on “who” and “how” I spend my travel ang mga main factor para maiwan ang puso ko dun. Bonus na lang sakin yung ganda ng lugar.
Pero to answer your question, tingin ko mas magiging worth it ang Taiwan experience mo kung maiikot mo talaga sya. Hindi lang dapat sa Taipei, dapat pati yung mga probinsya din nila.. which is madali lang kase may bullet train sila. Halos parang buong Luzon yata ang laki ng Taiwan, so there are a lot of places to explore. Ayun po.
And I thank you.. 😊😀
LikeLiked by 1 person
Inabangan ko talaga kung nasaan yung resiliency hahaha
LikeLiked by 1 person
Hahaha.. Yun talaga yung finale dun eh. Medyo pasok naman diba? 😊
LikeLike
Kasi nasa title eh kaya inisip ano ba ang kinalaman haha
LikeLike
Hahah.. So pwede naman ba para sayo? 😄
LikeLike
Pasok naman po sa banga haha
LikeLiked by 1 person
Hahah.. Thanks, thanks.. 😊
LikeLike
Woooow! Im jealous of your Taichung trip. ha ha. but send my love to Japan 🙂
LikeLiked by 1 person
Sure. And I will send it back to you with love and happiness as well from Japan.. 😊
LikeLiked by 1 person
Ang benta sakin nung Enchanted Kingdom part hahaha
LikeLiked by 1 person
Hahaha.. Thanks Dea. BTW, magka-follow na yata tayo sa IG since 2016 pa. Dun ko nakita yung blog mo..☺
LikeLike
Ang funny ng experience mo hahahaha
LikeLiked by 1 person
Hahaha.. Oo nga eh. Funny and enjoy at the same time. ☺
LikeLike
Galing naman! Very helpful ung post mo para sa mga katulad ko na may upcoming trip to Taiwan. God bless
LikeLiked by 1 person
Welcome po. And thanks din for visiting my blog. God bless.. ☺
LikeLiked by 1 person
Super loved this article!
LikeLiked by 1 person
Thanks Yossef..
LikeLike
hahaha super relate ako sa QUEENS HEAD.. grabe excited ako mgselfie nung kita ko yan sa itinerary kasi expect ko rin ang laki nila talaga ahahaa… and kainggit din yung zoo kasi di kami nakapunta dyan.. pero nakakawala ng stress magtravel sa taiwan 🙂
LikeLiked by 1 person
Hahah.. Oh diba, yung Queen’s Head ay isang magandang halimbawa ng “expectation vs reality”. LOL.. Sayang naman na hindi nyo napuntahan yung Taipei Zoo. Di bale, may next time pa naman uli. And yeah, nakakawala ng stress, both ang Taiwan at ang travel. 🙂
LikeLike
Bakit ngayon ko lang to nabasa? Loved this post! Kagagaling ko lang ding Taiwan and you know what? Resiliency ng mga pinoy din ang pumasok sa isip ko. Sobrang convenient doon sa Taiwan lalo na sa transportation system. Di maiiwasang icompare dito sa Pinas. Pero imbis mainggit ako, mas lalo kong na-appreciate ang resiliency ng mga Pinoy. Kahit anong hirap at problema, tawa lang. Nandun parin yung hope. Anyway, medyo napahaba na. Hehe. Keep posting! God bless you Jeff! 🙂
LikeLiked by 1 person
Yeah, nakita ko nga din yung blog mo about Taiwan at ang dami mong napuntahan dun. Tapos naka timing ka pa sa cherry blossom nila. Kainggit.. 🙂
Oo, ang layo talaga ng transportation system nila compare sa Pinas. Sa train pa lang, talong-talo na. And yes, ang pagiging likas na masayahin nating mga Pinoy ang nagpapatatag sa atin despite all the challenges lalu na sa ating mga OFW. Kaya mabuhay ang Pinoy! Heheh..
I always read your blog as well. Gamit na gamit ko yung Baguio blog mo kase galing din ako dun last month. God bless you din, Dea.. 🙂
LikeLike
Hala, eto yung isa sa mga nahanap kong blog posts last year nung gumagawa palang ako itenerary for Taiwan 😅 Ang ganda ng mga pics mo! Lalo yung signature pic mo with Taipei 101 na selfie stick lang gamit mo! 🙌🏻
LikeLiked by 1 person
Heheh.. Thanks! Wala nga lang akong masyadong napicturang bulaklak gaya nung sayo. 🙂
LikeLiked by 1 person