TAIWAN It That Way: Mga Larawan, Kwento, Travel Guides, at… Resiliency?

Medyo hindi ako masyadong makapag-concentrate habang isinusulat ito. Flight ko na kase pa-Japan in less than 2 weeks. Kaya naghalo na yung hang-over ko sa Taiwan at excitement ko sa Japan. Hahah..

Kaya bago pa man ako atakihin ng pagpo-procrastinate ko, eh tatapusin ko na ito para makapag-focus na ako dun sa isa. Hayaan niyong ikwento ko na lang muna ang byahe ko sa pamamagitan ng mga larawan.

 

 

Taipei 101
Ito ang Taipei 101. Matagal nitong hinawakan ang world record na pinakamataas na gusali sa buong mundo (2nd na lang siya ngayon sa Burj Khalifa). Nasa loob din nito ang pinaka mabilis na elevator, na tumatakbo from GF to rooftop ng 30 secs lang, or 60.6km/h. Ang bilis nun!

 

 

Taroko Mall
Eto ang Taroko Mall. Dito lang ako nakakita ng escalator na from ground floor derecho agad hanggang 4th flr. Dito pa lang para ka na ding nagpunta sa Enchanted Kingdom. Hahah.. And BTW, hanggang 11th flr ang mall na ito. Kinarir nila ng husto, besh..

 

 

Milk Tea
Mga milk tea ito na binebenta sa 7-11. Ang sarap nito, guys. Nag-uwi ako nito sa Manila kase panalo talaga.

 

 

bty
Penguin..
dav
Huli ka balbon! (Asian Bear)
dav
Panda!
Taipei Zoo
“Ang hirap mag-selfie ng solo, kaya isasama ko na lang kayo lahat.” 😀 Sobrang sulit ang Taipei Zoo. At ang laki nito! Di ko na nga inikot lahat kase pagod nako. Sa entrance lang na 130php makikita mo na dito ang mga hayop na di mo madalas makita. Ang dami kong hayop na first time makita dito, like penguins, camel, bear, racoon, puma, hyena, panda, at madami pang iba. Kaya dapat isama niyo ito sa itinerary niyo.

 

 

Shiang Kai Shek Memorial Hall

Chiang Kai Shek
Chiang Kai Shek Memorial Hall – Isa ito sa madalas puntahan sa Taipei. Kaya dapat may mandatory selfie kayo dito. 🙂

 

 

Yehliu Geopark
“Ang haba ng pila. What to do?” Yehliu Geopark – Ito yung pinipilahan nilang Queen’s Head. Syempre di nako magtya-tyaga pa pumila, pwede naman sa kabilang side eh. LOL. Tsaka di ko inexpect na ganyan siya sa personal. Akala ko sobrang laki niya eh. Yun pala ganyan lang sya. Oh well..

 

 

Yehliu Geopark
Ang init dito, sobra! Kaya magdala kayo ng payong..

 

 

Hanging Bridge
Ang sama ng tingin sakin ni Lola dito. First pic, nakatingin siya sa monopod ko. Second pic, inirapan niya ako. At third pic, tinawanan ko na lang siya. LOL

 

 

Ximending Night Market
Cake… anyone? 😀

 

 

HSR Taiwan
Astig ng High Speed Rail (HSR) nila dito. Bukod sa kaya nitong tumakbo sa bilis na 300km/h, may parang stewardess din sila sa loob na nag-aalok ng maiinom o makakain.

 

 

pasalubong
Sa dami ng mga pasalubong na binili ko, ayan, pwede na ilagay sa maleta. LOL

 

 

ColorMix Hostel
Syempre, bago ako umalis sa hostel na tinuluyan ko (ColorMix Hotel & Hostel), pinicturan muna nila ako at nagsulat ng konteng mensahe. Ayan, hanapin niyo na lang ako dyan.

 

 

Taipei 101
Signature pose ko na yata talaga ito kapag may mataas na gusali or any establishment akong napupuntahan, like Petronas Twin Tower, Wat Arun, etc..

 

 

Flower Garden Taichung
At syempre, eto ang pangmalakasan nating pic. Mala-kdrama ang datingan nito. 😀

 

*****

 

Sample Itinerary

Day 1: Must See Sites
-Yehliu Geo Park
-Shifen Old Street and Shifen Water Falls
-Jiufen Old Street
-Ningxia Night Market

Day 2: Taichung, Taiwan
-Park lane
-National Taichung Theater
-Miyahara
-Rainbow Village
-Gaomei Wetlands

Day 3 & 4: City Tour Bus (Di kumpleto ang Taiwan trip nyo pag walang picture
dito)
-Chiang Kai-Shek Memorial Hall
-National Palace Museum
-Shilin Night Market
-Ximending
-Taipei 101
-Wufenpu Clothing District

 

*****

Airfare:
Airline: Cebu Pacific
Price: 2,100 RT
Date Booked: November 2017

Accommodation:
– ColoMix Hotel and Hostel
– 5D/4N
– Single Bedroom
– 3,767.76 PHP
– Booked it via Traveloka app (with P500 off)

Tour:
– Yehliu, Juifen and Shifen Tour
– Booked it via Klook for P1,289
– with English speaking tour guide
– Free bottled water
– Explore on your own
– Just go back at the bus on or before the instructed time

Other Tours around Taipei:
– Taipei 101
– Taipei Zoo
– National Palace Museum
– Shung Ye Museum
– Lungshan Temple
– Maokong Gondola
– National Chiang Kai-Shek Memorial Hall
– National Dr. Sun Yat-sen Memorial Hall
– Xiangshan (Elephant Mountain)
– Martyrs’ Shrine
– Ximending Night Market
– Shilin Night Market
– Raohe Night Market

Foods to try:
– Bubble Milk Tea
– Xiang Long Bao
– Stinky Tofu
– Frozen Yakult
– Peanut Ice Cream
– Pineapple Cake Bar
– Flavored Potato on Stick
– Taiwanese Sausage

Transportation:
– Maganda ang train system ng Taiwan. Pwede mong maikot ang buong Taiwan by just using their train.
– Maganda din ang bus nila, komportable ang upuan at may wifi. May tamang sakayan din at babaan.
– Naka-indicate sa bus stop kung anong mga bus ang hihinto dun.
– May naka-indicate din sa loob ng bus (in Chinese and English) kung ano ang
next station na hihintuan niya.
– You can ride their bus and train by using EasyCard.

 

*****

NOTES:

– Kung galing kayo ng Taiwan Taoyuan International Airport, you can ride Airport MRT papuntang Taipei Main Station (main transportation hub) for P160 NTD.

– You can also ride a bus (esp. kung alanganing oras ang dating nyo). Baba lang kayo ng airport, may makikita kayong terminal ng bus. Sakyan niyo yung Bus 1819, papuntang Taipei Main Station din yan. Cost is 140 NTD.

– Yung EasyCard pwede niyong bilhin sa any train station or any branch ng Hi-Life. Cost is 100 NTD.

– Pwede niyong ma-reload ang mga EasyCard sa mga vending machines sa mga train stations.

– Ang EasyCard ay good for 1 person lang. Hindi mo pwedeng i-tap yung EasyCard mo para sa kasama mo.

– Kung magagawi kayo ng Jiufen, dun na kayo mamili ng pasalubong kase mura ang presyo nila dun.

– Kung hindi naman kayo magagawi ng Jiufen, may mga nakita din akong murang souvenirs sa Shilin Night Market

– Mahigpit ang Taiwan pagdating sa mga hand carry baggage. Nung pauwi na ako going to Manila, kahit nasa boarding gate na kami, yung mga airport personnel isa-isang nilapitan yung may mga dalang maleta para timbangin. Kaya kung nakalusot kayo sa Pinas, baka sa Taiwan hindi na kayo palarin. So better book additional baggage.

*****

Funny Moments:

– Ginamit ko ang 1000 bill sa vending machine. Nawala sa isip ko na hindi nga pala nagsusukli ang vending machine ng papel na pera. Kaya ayun, yung 600+ na sinukli sakin puro coins. Hahaha.. Ang bigat sa bulsa besh.. 😀

– Muntik ko pang maisuksok yung 1000 peso bill ko sa vending machine nila. Yung 1000 bill kase nila ay kakulay din ng 1000 bill natin. LOL

– Nagpunta ako sa isang bakery, akala ko automatic yung pinto (gaya ng ibang establishments nila). Pero kanina pa ako nakatayo dun, hindi pa rin bumubukas. Hanggang sa napansin ako ng isang customer, lumapit at may pinindot sa gitna ng pinto para bumukas. May instruction pala dun na ipe-press lang para bumukas. Di ko lang na-gets kase nakasulat sa Chinese. 😀

– Pumunta ako sa isang noodle house. Ang binigay sakin ay Chinese menu. Magtuturo na lang sana ako kung ano ang gusto ko dun based sa pic. Ang kaso, walang picture yung menu. Hahaha.. Buti na lang meron silang English menu, just ask for it. 🙂

– Kumain ako sa isang malaking shabu-shabu sa Taichung. Gusto ko magkanin, kaso wala silang kutsara. Kaya ayun, no choice kundi gumamit ng chopstick. Mabuti na lang malagkit ang kanin nila dun, kaya madaling dakutin. 😀

– Nag take-out ako ng stinky tofu at dun ko kinain sa kwarto ko. Ayun, kada pasok ko sa kwarto ang stinky.na tuloy. LOL

– Sa Taiwan lang ako nakatikim ng Haagen Dazs ice cream. Nag pull-out na kase sila dito sa Pinas. Dahil ba likas na kurips ang mga Pinoy, or ginto lang talaga ang presyo ng ice cream nila? LOL

– Ang sarap nung peanut ice cream nila. Kaso hindi ko ma-enjoy ng husto kase nangingilo yung ngipin ko, kaliwa’t kanan pa man din. Kasalanan ‘to ng dentista ko eh. Pinastahan lang niya ipin ko ganito na nangyari. 😀

– Turuan ko lang kayo sa ibang pronunciation nila ng mga lugar.  Yung Zhulan ang tamang pagbigkas dyan ay Julan. Ang Fengyuan naman ay Fangyen, at ang Taoyuan ay Taoyen. Inabisuhan ko na kayo kase baka magaya kayo sakin. Feng-yu-an ang sinasabi ko eh Fang-yen lang pala ang pag pronounce nun. Haayss..

 

*****

 

Lesson to ponder:

Binisita ko ang kaibigan ko na matagal ng nagtatrabaho sa Taiwan. Sabi niya, kapag may bagyo daw na parating sa Taiwan, kahit na signal number 1 lang, ginagawa ng holiday ng gobyerno nila ang araw na yun.

Matatakutin daw yata sa bagyo ang mga taga Taiwan. LOL. So since ginagawang holiday kapag may bagyong parating, lahat ng pumapasok sa trabaho ay babayaran ng overtime pay. At ang madalas daw magtrabaho sa araw ng bagyo, ay walang iba kung ang mga Pinoy. 😀

Nasanay na din daw ang mga employer nila sa ganun, na kapag may bagyo, ino-offer nila yung trabaho sa mga Pilipino. Alam nilang hindi nagpapatinag sa bagyo ang mga Pinoy.

At bakit naman hindi? Eh dito nga sa Pilipinas kahit signal number #4 na at lubog na halos yung buong Metro Manila, pumapasok pa din tayo sa trabaho eh. How much more kung signal #1 lang diba?

Resiliency. 

‘Yan ang word na tingin ko swak sa description ng kwento ko. Pinagtibay na tayong mga Pinoy sa mga dinanas nating bagyo kaya kahit gaano pa kasama ang panahon, baliwala na lang sa atin.

Parang sa buhay natin. Yung mga unos na dinaranas natin ang siya ding nagpapatibay sa atin. Kaya nga nandito pa din tayo ngayon eh — nakatayo pa din, lumalaban, hinaharap ang buhay, kase pinagtibay na tayo ng mga bagyong pinagdaanan natin.

Marami pang unos ang darating sa buhay natin. May signal #1, meron din namang hanging habagat lang, o di kaya super typhoon. Pero kahit ano pa man yan, sigurado akong mapapagtagumpayan natin yan.

Tandaan…. Resiliency.

So, ano na nga ba ang tagalog ng resiliency? 🙂

 

“Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be afraid; do not be discouraged, for the Lord your God will be with you wherever you go.” – Joshua 1:9

 

RELATED ARTICLE: 

Travel Video: Taiwan

 

Carpe diem!

God bless everyone..

 

 

 

Shades of Wanderer signature

 

 

40 Replies to “TAIWAN It That Way: Mga Larawan, Kwento, Travel Guides, at… Resiliency?”

  1. Nice post kuya Jheff!! Nakakahype pag nakakakita ako ng mga gantong post lalo na yung mga pics na nakaka relate ako. 😍 Looking forward to your Japan trip! Penge pointers kuya para may idea ako pag may budget na ako pang Japan 😂 More power!!!

    Like

  2. Puro ice cream ang tumatak sakin sa mga kwento mo. Or sadyang narinig/nabasa ko na yung ibang mga kwento? Haha. Nainom ko na pala yung mga milk tea. 😊

    Liked by 1 person

      1. Lasang bulaklak yung pink. Rose ek ek kasi yung flavor. Kaya mas prefer ko yung yellow. Pero sana talaga natikman ko din yung isa. 😔 Haha jk.

        Liked by 1 person

      2. Literal pala na rose ung flavor? Hahah.. Baka petals ng rose yun. LOL.. Oo nga eh, sayang yung violet na color, natapon eh. Di bale, next time bili uli ako. 😊

        Liked by 1 person

  3. hahaha I miss Taipei! hehehe meron ding Mall sa Taipei, 12 floors naman. each floor, iba iba ang paninda. may floor na puro camera, may floor na puro speakers and sound system. jusko. ang saya magwindow shopping hahahahaha

    meron ka rin palang travel buddy! ang saken Minion hehehehe

    Liked by 1 person

    1. Wow, ayos yun ah. Saan banda sa Taiwan yun?

      Oo, lagi kong kasama yun. Madami na syang lugar na napuntahan.☺ Tingin nga? Ay, wala pa lang attachment dito. 😊

      Like

  4. Tawang tawa ako dun sa umiihi na bear…Sinakto mo yun no? LOL At kay lola! HAHAHAHA mga nakukuha mo nga namang pic.

    Sulit ba ang punta sa Taiwan? Kasi ang dami kong nakikitang cheap flights diyan pero pag nakikita ko yung mga travel posts parang meh lang siya…. Alam mo yun… Di ko sure kung parang Japan siya na maiiwan puso mo. Sympre sa hirap ng buhay ngayon, gusto natin yung mga travel natin yung mga sulit din talaga! So ano na Jheff, worth it ba? 😛

    Liked by 1 person

    1. Hahaha.. Oo, sakto pag dating ko umihi at jumebs yung bear eh, kaya yun sinamantala ko na. LOL. Tsaka si Lola, ang sarap patulan. Kung hindi lang talaga matanda eh. 😁

      Thank you for that wonderful question. Hahah.. Ah kase Kat, I believe, subjective yan eh. 😊

      Di ko kase alam kung anong factor ang nakakapag-iwan ng puso mo sa isang lugar. Ako kase more on “who” and “how” I spend my travel ang mga main factor para maiwan ang puso ko dun. Bonus na lang sakin yung ganda ng lugar.

      Pero to answer your question, tingin ko mas magiging worth it ang Taiwan experience mo kung maiikot mo talaga sya. Hindi lang dapat sa Taipei, dapat pati yung mga probinsya din nila.. which is madali lang kase may bullet train sila. Halos parang buong Luzon yata ang laki ng Taiwan, so there are a lot of places to explore. Ayun po.

      And I thank you.. 😊😀

      Liked by 1 person

  5. hahaha super relate ako sa QUEENS HEAD.. grabe excited ako mgselfie nung kita ko yan sa itinerary kasi expect ko rin ang laki nila talaga ahahaa… and kainggit din yung zoo kasi di kami nakapunta dyan.. pero nakakawala ng stress magtravel sa taiwan 🙂

    Liked by 1 person

    1. Hahah.. Oh diba, yung Queen’s Head ay isang magandang halimbawa ng “expectation vs reality”. LOL.. Sayang naman na hindi nyo napuntahan yung Taipei Zoo. Di bale, may next time pa naman uli. And yeah, nakakawala ng stress, both ang Taiwan at ang travel. 🙂

      Like

  6. Bakit ngayon ko lang to nabasa? Loved this post! Kagagaling ko lang ding Taiwan and you know what? Resiliency ng mga pinoy din ang pumasok sa isip ko. Sobrang convenient doon sa Taiwan lalo na sa transportation system. Di maiiwasang icompare dito sa Pinas. Pero imbis mainggit ako, mas lalo kong na-appreciate ang resiliency ng mga Pinoy. Kahit anong hirap at problema, tawa lang. Nandun parin yung hope. Anyway, medyo napahaba na. Hehe. Keep posting! God bless you Jeff! 🙂

    Liked by 1 person

    1. Yeah, nakita ko nga din yung blog mo about Taiwan at ang dami mong napuntahan dun. Tapos naka timing ka pa sa cherry blossom nila. Kainggit.. 🙂

      Oo, ang layo talaga ng transportation system nila compare sa Pinas. Sa train pa lang, talong-talo na. And yes, ang pagiging likas na masayahin nating mga Pinoy ang nagpapatatag sa atin despite all the challenges lalu na sa ating mga OFW. Kaya mabuhay ang Pinoy! Heheh..

      I always read your blog as well. Gamit na gamit ko yung Baguio blog mo kase galing din ako dun last month. God bless you din, Dea.. 🙂

      Like

  7. Hala, eto yung isa sa mga nahanap kong blog posts last year nung gumagawa palang ako itenerary for Taiwan 😅 Ang ganda ng mga pics mo! Lalo yung signature pic mo with Taipei 101 na selfie stick lang gamit mo! 🙌🏻

    Liked by 1 person

Leave a reply to Jeff Cancel reply