Pawer na Pawer na One Lovely Blog Award

Lovely Blog Award

Rules:

• Thank the person who nominated you and link their blog in your post.
• You must include the rules and the blog award image in your post.
• You must add 7 facts about yourself.
• Nominate 15 people to this award.

Maraming salamat kay Aysa, kay Miko at kay Happysheikha sa pag-nominate sa akin. Ayokong madamay sa sumpa, kaya eto gumawa na ako ng entry ko. Hahah..

7 Facts About Me

dav

1. Books – Hindi ako bookworm, pero once na may gusto akong matutunan or curious ako sa isang bagay, bibilhin ko talaga ang book na yun. At walang particular genre kung bumili ako ng libro, sobrang ramdom. Gaya nitong nasa pic, merong usapang kaperahan, may self-help books, inspirational books, pati nga hugot books meron din akong nabili. Hahah..

Madalas kong bilhin na libro ay mga local author, kase gusto ko suportahan ang talento at gawang mga lokal. Pero paminsan-minsan bumibili pa din naman ako ng mga libro kahit hindi Pinoy ang may akda, gaya na lang niyang The Purpose Driven Life ni Rick Warren, na isa sa mga all time favorite kong libro.

*****

dav

2. Price – Speaking of books, ewan ko lang kung may kagaya din ako dito, pero isang ugali ko eh nilalagyan ko ng plastic cover yung libro without removing the price. Ganito din ba kayo or ako lang? Hahaha..

*****

Instruments
Midi Keyboard, Acoustic Guitar, Concert Ukulele & Harmonica

3. Instruments – Na-mention ko na ito sa isang award din na natanggap ko last year. Pero walang pics yun, kaya this time mag-aattach na ako. Musikero kaming lahat sa pamilya. Namana yata namin sa side ng Tatay ko. Maliit pa lang kase siya ay tumutugtog na siya ng harmonica at trombone.

Sa mga instruments na yan, yung keyboard at ukulele lang ang sa akin. Yung harmonica sa Tatay ko yan, tapos yung gitara naman ay sa kapatid ko. Pwede na nga yata kaming magtayo ng banda kase ako hawak ko talaga ay keyboard, yung isa ko namang kapatid forte niya yung bass guitar, yung isa naman ay drums, and then yung isa pa ay gitara naman. So sakto lang kase may kanya-kanya kaming specialty.

Iba ang nagagawa ng musika sa atin. Kaya nitong tanggalin ang mga stress sa ating katawan. Kaya din tayong pasayahin nito, and at the same time kaya din tayong paiyakin. ** Moira songs playing in the background ** LOL

Kaya kung wala ka pang alam i-play na musical instrument, I encourage you to try kahit isa lang. Masarap tumugtog at umindayog sa saliw ng musika. 🙂

*****

Running Medals

4. Finisher Medals – Mga 6 or 7 years ago adik pa ako sa pagsali sa mga fun run eh. Running lagi ang outlet ko sa stress noon. Kaya ayan, naka-ipon ako ng mga medals. Ang favorite ko dyan syempre ay yung medal ko sa 2014 Run United 2. Thirty two kilometers (32 kms) kase ang tinakbo ko dun. Memorable sa akin yun kase bukod sa ang layo niya, tinakbo ko yun ng wala pang tulog at may slight injury pa sa calf ko. Thank God at natapos ko naman ng safe.

*****

mde

5. Sarong – Mahilig ako sa mga sarong or yung parang scarf na malalaki. Lately nga papalayo ng papalayo ang pinanggagalingan ng mga sarong ko eh. Mula Tagaytay, naging Baguio, then Malaysia, tapos Thailand, and then lastly galing Maldives (sa dulong kanan) courtesy of Aysa! Oh diba, ibang level na. Yung next na sarong ko saan naman kaya manggagaling? 🙂

By the way, sabi pala ni Space meron daw secret code ang sarong ng Maldives na kelangan mong i-decode para gumanda ang lovelife mo. Di ko lang alam kung totoo ba mga pinagsasabi niya. Hahaha.. Tanungin nyo na lang siya kase isa din siya sa mapalad na nakatanggap ng ganyang sarong. Hehehe..

*****

mde

6. Cap – Mahilig ako sa mga cap at shades. Pero mas marami akong cap, so yun na lang ang ipapakita ko ngayon. Kapag ang pupuntahan ko ay beach, minsan gamit ko ay yung straw hat or yung bowler. Kapag bundok naman or other outdoor activities, naka baseball cap ako. Kapag naman mga chill-chill lang, Jordan cap ang gamit ko.

May mga sun-visor din ako na ginagamit ko naman kapag nagjo-jogging. Hindi ko na sinama sa picture, hindi na kasya eh. Heheh..

Sa lahat ng mga sumbrero ko, syempre yung Jordan ang pinaka favorite ko. Hindi dahil sa mahal siya (well… okay sige, isa na rin yun. LOL), pero dahil komportable akong suotin siya.

Pero hanggang cap lang ako pagdating sa Jordan ah? Masyadong mahal yung sapatos eh. Pero balita ko may ibang bloggers daw dito na galante mag-regalo ng Jordan shoes? Bwahahaha.. Sino kaya yun? 😀 I don’t mind kung reregaluhan nyo din ako ah? Hindi sasama ang loob ko, promise!

*****

7. Ta-artits – Tatlong beses na akong lumabas sa TV. Hindi yung mala-Sadako na paglabas sa TV ah? Hahaha.. Yung exposure mismo sa telebisyon.

Yung una ay nung year 1999 pa yata, nung ininterview yung Mommy ko sa show ni Cheche Lazaro (GMA 7). About business kase iyon at isa ang Nanay ko sa mga ininterview sa lugar namin. May exposure ako dun, mga isang segundo lang yata. LOL

Yung pangalawa ay nung year 2003 sa Cebu. May practice kami ng mga ka-banda ko sa University of Cebu, at dun kami tumutugtog sa tabi ng stage ng school. Eh that time pala may nagshoo-shooting din (Cebu’s version of afternoon drama series).

Nakita kami ng direktor, at tinanong kung pwede kaming kuhanan habang tumutugtog. Syempre pumayag kami. Choosy pa ba kami? LOL. Ang eksena, yung artistang babae mag-eemote habang nakaupo sa isa sa mga upuan (na nasa harap namin), habang kami naman ay tumutugtog ng masayang kanta. Hahah.. Ang labo noh?

At yung pangatlo naman ay nung 2011, lumabas ako sa 24 Oras Weekend (GMA News). Pero hindi ako yung nahuli sa CCTV na nagnanakaw ah? LOL. May fun run kase akong sinalihan, at nung malapit na sa finish line may camera man na tumayo sa gitna at kinuhanan kami bigla (mga runners).

Akala ko sa organizer yun at for documentary purposes lang. Hindi ko alam na taga GMA na pala yun. At kaya pala biglang tumayo sa gitna yung camera man kase ang kukuhanan pala niya talaga ay sina Mariz Umali at Raffy Tima, na hindi ko alam eh kasabay ko pala (katabi actually) habang papalapit na sa finish line.

Kaya ayun, nung ibinalita na ni Cesar Apolinario sa TV yung about sa fun run (isa pala ang GMA 7 sa mga organizer), nandun ang exposure ko kasama nila Mariz at Raffy na tumatakbo sa finish line na hapong-hapo na. Hahah..

Nakaka-tatlong extra nako sa TV. Kelan kaya ako magiging bida naman? Hayaan nyo pag sikat na ako, ime-mention ko kayong lahat pati mga blogs nyo. 😀

*****

At yan ang pitong bagay patungkol sa akin. Hindi na ako magno-nominate pa kase mukhang lahat ng kakilala ko sa blogosphere ay na-nominate na din.

So ayun, salamat sa pagbabasa. Hanggang sa muli. Babush!

– Jeff

Shades of Wanderer signature

Advertisements

81 Replies to “Pawer na Pawer na One Lovely Blog Award”

      1. Oo, leader namin sya lalu na sa pagiging mapagmahal kahit na minsan eh hindi na sya nasusuklian..😄 Sali ka sa group namin sa FB. Search mo lang The Fault In Our Blogs, tapos sagutin mo yung mga tanong para i-accept ka ng mga admins.

        Liked by 1 person

  1. Hindi din ako nagtatanggal ng price, kuya.:)

    6 years old pa lang ako nung una kang lumabas sa TV. HAHAHAHAHAHHAHA!

    Sino nagreregalo ng Jordan shoes? Matindi.

    Sana makatanggap din ako ng sarong galing Maldives (ehem ate Aysa :D)

    Liked by 4 people

    1. Hahaha.. Grabe ka Noreen, pinatanda mo naman ako bigla. 😁

      Wow, same pala tayo hindi nagtatanggal ng price. Heheh..

      Yung about sa Jordan shoes, wait muna natin baka mag comment din sya.😄

      Yung sarong ni Aysa kami palang yata ni Space ang mapalad na nabiyayaan. Malay mo ikaw na ang sunod. Heheh..

      Liked by 3 people

  2. #2 – Hindi ko po kinocoveran, pero hindi ako nag-aalis ng price. Haha.
    #3 – Kuya, anong brand po ung acoustic mo?? Hihi.
    #6 – May bago na po akong tawag sa Kuya. #KuyaCap Ahehe
    #7 – Ako 2 times pa lang. Haha.

    Liked by 1 person

    1. Kapag favorite mo yung book, coveran mo din Lhory para tumagal yung buhay. ☺

      Fernando yung brand ng gitara. Yung sayo ba?

      Hahah.. KuyaCap, sige pwede rin. 😊

      Wow, 2 times na? Both of them ba ay dun sa…….. tama ba? Heheh..

      Liked by 1 person

      1. Ma-ge-gets mo pag sinapatos kita wahahahahahaha!

        Yung secret code ng sarong ko ay “ang sinumang mag susuot ng sarong na ito ay di na lalamig ang Pasko.” Ang secret code naman sarong mo ay “ang mag susuot ng sarong na ito ay di na lalamig ang paksiw.” Ganyan. Hahahahhaaha!

        Liked by 1 person

      2. Hahaha.. Oo gets ko. Iniiwas na nga kita sa madlang people eh. 😁

        Kung sasapatusin mo na lang din ako, pwede yung Jordan 11 na lang? 😄

        Ah oo, yan nga pala yung secret code. LOL

        Like

  3. Nakakaaliw naman basahin to! Hahaha. Gusto ko yung #7. Wag mo kami kakalimutan pag sikat kana aa. 🤣

    Di ko pa nagagawa yung ganito ko. Wala pa kong maisip pero gagawin ko to kasi ayokong madamay sa sumpa ni Aysa! Haha

    Liked by 2 people

  4. Kilala ko yung namimigay ng sapatos na jordan. Wahahahaha. Kung mababasa niya ito, isang paalala po, size 6 ako. Hahaha.

    Jeff wag mo kaming kakalimutan pag sikat ka na ha. Ako hindi ko maalala kung ilang beses na akong lumabas sa TV. May hawak akong tarp madalas at nagchicheer. Hahaha.

    Liked by 2 people

    1. Hahaha.. Pick-upin ko na lang daw sa house nya yung Jordan shoes.. 😁

      Oo, di ko kayo kakalimutan pag sikat nako. Kaya magpa-fan sign na kayo ngayon pa lang. LOL

      Ah oo, same pala kayo ni Lhory. Parehas ko kayo napanood on air. Heheh..

      Liked by 1 person

      1. May pamahiin na ang taong nireregaluhan daw ng any footwear ay nang-iiwan or umaalis. Baka kaya kami naiwan niyang namimigay ng jordan. Hahaha. Yung boss ko nagpapabayad ng piso pag nagreregalo. 😂

        Liked by 1 person

  5. Wow naaliw ako sa pagbabasa nitong lovely award mo kuya jheff. Grabe sobrang all-around mo pala. Music, writing, sports. Galing mo kyaaah..meanwhile di ko pa nagagawa itong lovely award ko

    Liked by 1 person

      1. wala pa ako nito e. Pinag-iisipan ko pa kung anu-ano iyong mga facts about me. I prmote ko sa TFIOB kapag meron na hehe. But welcome to visit my blog naman lagi hehe

        Liked by 1 person

  6. Kuya Jheff. Nahawa ko kay Grace at Angelica. Sila kasi last comment na nabasa ko. 🤷🏻‍♀️🤣

    Uy pa autograph na a. Baka bigla kang sumikat. Aabangan ko pagmention mo sa blog namin kapag sikat ka na. 💪🏼👊🏼

    Di rin ako nagtatanggal ng price! Kasi para maalala ko kung magkano. Wala lang. Gusto ko lang. Haha 😍

    Liked by 1 person

    1. Hahah.. Kaw talaga Tita Jai, mapagbiro! 😄

      Wag kayo mag-alala, di ako makakalimot. Yung autograph, saka na pagpunta ko dyan. 😊

      Ayun, same pala tayo di nagtatanggal ng price. Para at least maramdaman natin yung inflation. LOL

      Liked by 1 person

  7. Nakakatuwa naman ‘to hahaha , Ang sarap po sa feeling talaga ng mahagip ng camera sa Telebisyon. Minsan ko ring naransan ma-TV noong nanuod kami ng Eat Bulaga. Hahaha lahat sila nagtatawanan pero ako ayun.. naka-salpak sa sahig at nakapatong ang braso at ulo sa upuan. Napansin ako ng Jowapao at napagtawanan hahahaha!

    Liked by 1 person

    1. Hello. Welcome sa blogging world! 😊 I saw some of your blogs at mukha namang hindi ka newbie. Heheh.. Gawa ka na lang siguro ng About Me page para dun ka makilala ng tao and anything about your blogs.☺

      Like

      1. Ay sorry, wala ba dun sa Contact Page ko? Sige, eto email add ko,

        x.y.p.h.r.u.s (at)gmail(dot)com – (tanggalin mo na lang yung mga tuldok) 😊

        May plano ka bang mag-upgrade? Kahit actually free WP okay na eh. Pero kung keri naman yung gastos, then push lang po. ☺

        Like

Leave a Reply to aysabaw Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s