#TFIOB: Pawer Na Pawer Na Mga Blogger – Ikalawang Bugso

DCIM104GOPROGOPR2192.

 

So ayun na nga po noh! Dahil sa naging maganda at sobrang #pawer ang naging outcome nung first meet-up, kaya napagkasunduan uli ng group na magkaroon ng second meet-up.

Actually nung first meet-up ang gusto nila for the 2nd meet-up ay either sa beach or bundok. Pero eventually, napagdesisyunan na huwag muna kase baka ma-out of place yung iba. So mas maganda kung sa isang resto or kainan na lang muna uli para chill-chill lang, and then kapag mas maraming umattend, perhaps baka sa 3rd meet-up na namin ituloy yung planong bundok or beach.

Last time, ang eyeball ay ginanap sa J.Co, sa may Megamall. This time ang meet-up ay ginanap naman sa Banapple, sa Gateway, Cubao. Isa yata sa mga dahilan kaya sa Cubao ginanap yung meet-up kase hanggang dun lang daw ang alam na lugar ni Aysaย bilang siya ay manggagaling pa yata ng Bulacan. Not sure kung tama ako, basta, malayo pa.

Sa totoo lang, malayo ang Cubao sa part ko bilang ako ay taga South. Pero syempre si The Aysa yan eh, galing pang Maldives yan, umuwi lang ng Pinas para sa meet-up. So sino pa ba ako para tumanggi diba? Kapita-pitagang blogger yan, so wala akong karapatang mag-demand at magreklamo. Yun talaga yun! Hahah..

Hindi lang din si Aysa ang galing sa ibang bansa, pati si Senseiย ay galing pang Japan. Oha! Iba na ang TFIOB, dinadayo pa ng taga ibang bansa para lang maka-attend sa meet-up. Sa susunod na meet-up, yung taga Middle East at Southeast Asia naman ang uuwi ng Pinas. ๐Ÿ™‚

Bago ang araw ng meet-up, sinabihan ko yung mga naka-attend sa unang eyeball na kung pwede ay agahan nila ang pagpunta para naman may mag-asikaso at may makausap yung mga first time pupunta.

Kabilin-bilinan ko, “Guys, agahan natin ah?” Ayun, so far okay naman — lahat sila late dumating. LOL

Pambihira! Walo (8) katao na kami sa table namin, ni isa sa mga sinabihan kong pumunta ng maaga eh wala pa? Anyare?! Kaya ayun, ako ang punong-abala sa lahat. Feeling ko tuloy birthday celebrant ako tapos sila yung mga bisita ko. ๐Ÿ˜€

Hindi ko na ide-describe ang lahat ng mga nagpunta dun, check nyo na lang yung mga blog entries nila kase meron na silang description nung bawat blogger na umattend. I-enumerate ko na lang sila based sa pagkakasunod-sunod ng kanilang pagdating. Hahaha..

Unang dumating si Mary Grace (gurezu.com). 3:00 PM ang meet-up, pero dumating siya mga 2:15 PM pa lang yata. Early bird! Heheh. Ako naman ang pangalawang dumating, eksakto 3:00 PM.

Next na dumating ay si Sensei (boredsensei.wordpress.com), kasama ang kanyang bf. Dapat talaga ay pupunta na siya ng Bicol nung umaga, pero ginawa na lang niyang gabi para makapunta pa din siya sa meet-up.

Ikaapat ay si Aysa (aysabaw.com), our kapita-pitagang blogger, with her non-IG husband. Kung bakit non-IG husband, go check her blog na lang. ๐Ÿ™‚

Ika-lima ay si Patrick (myneverlandinmywonderland.wordpress.com), and then followed by Kate (bequietkate.wordpress.com). Si Kate ay ininvite ko na din dati sa pa-kape ko nung first meet-up, kaso hindi siya nakarating. So good thing this time nakasama na siya.

Ika-pito ay si Ely (angakingimaginarygirlfriend.wordpress.com), na nag-isip pa muna ng matagal sa labas kung tutuloy ba siya o hindi. Mabuti na lang at tumuloy siya. At least ngayon alam na naming hindi na siya imaginary blogger lang.

Ika-walo ay ang batang-hamog na si James (nostalgicquest.wordpress.com), na nasobrahan yata sa hamog kaya mismong blog name niya hindi niya maalala. Hahaha.. Di ko rin siya agad nakilala, kase sa FB maikli ang buhok niya pero in person ay longhair din pala siya kagaya ko. Ano nga palang shampoo mo, paps? Ibulong mo sakin, tapos bigyan kita ng Argan Oil na gamit ko sa buhok ko. LOL..

Ang ika-siyam na dumating, finally! Whew! Ayun, si Rhea (angelien0625.wordpress.com), at least ngayon may kasama na ako. Kaso bilang siya daw ay dakilang introvert, kayaย  ayun ganun din, parang first time lang din niya. Hindi rin nagsasalita masyado. ๐Ÿ˜€

Ika-sampu ay sila JC at Jonalyn (simplysaycheese.wordpress.com), kasama ang kanilang dalawang chikiting. Si JC ay may flight pa kinabukasan papuntang Thailand, kaya mabuti na lang hindi conflict sa sched ng meet-up.

Ika-labing-isa ay ang lodi nating si Jonathan (radukan.wordpress.com). Kung bakit siya lodi, paki check ang blog na ito TFIOB: The Meet-up,ย na gawa ni Jas (iwannasharemythoughtsblog.wordpress.com), na siya namang ika-labing-dalawa na dumating.

Si Jas ay galing pa sa doctor para sa kanyang therapy. Medyo emotional siya bago ang meet-up dahil sa naganap na therapy, pero during ng meet-up ay napaka-positibo niya. Nakakahawa ang postive vibes niya, kaya sabay-sabay nating pusuan mga bes.

Ika-labing-tatlo na dumating ay si Aila (xoxalthea.wordpress.com).ย Understandable naman kung bakit siya late kase galing pa siyang trabaho. Kung kelangan nyo pala ng multivitamins gaya ng Robust, pwede kayong umorder sa kanya. ๐Ÿ˜€

At ang ika-labing apat naman ay si Maria/Pajamah Cruces (intrepidiamcom.wordpress.com), na galing pang Fairview at may iba pang inasikaso kaya huli na din nakarating.

Habang pagabi na ng pagabi, unti-unti na ding nagsisi-alisan. Hanggang sa kami na lang walo (8) ang naiwan (Ako, Jas, Rhea, Jonathan, James, Pajahma, Mary Grace, at Aila). Napag-desisyunan na mag-KTV daw kami. Mukhang palaban sa kantahan ang mga kasama ko.

Konteng lakad lang mula sa Banapple ay narating namin ang Karaoke Pop. Okay dito mga beshie, 80 pesos lang per person. May sarili na kayong room, tapos pwede kayong umorder ng mga pagkain na gusto nyo while singing.

Pero bago kami tumuloy sa loob, nag-paalam na si Aila. Uuwi na daw siya kase hindi na daw niya kaya — natatae na daw kase siya eh. Kaya ayun, dali-dali siyang nagbook ng Grab para makauwi na siya sa kanila. ๐Ÿ˜€

Marami naman actually C.R. sa paligid ng Gateway na pwede siyang jumebs, kaya lang medyo choosy si Aila. Ayaw niya ng tissue lang, gusto niya yung may bidet spray daw. Ibang level ang lola niyo, kaya ayun hinayaan na namin bago pa siya pagpawisan ng butil-butil. Hahaha…

 

DCIM104GOPROGOPR2223.

 

Ang natirang matitibay..

 

Dapat talaga 1 hour lang kami sa Karaoke Pop, kaso nagkasarapan eh kaya naging 2 hours. At saan ka nakakita na habang nagvi-videoke eh luma-laklak ng frappe? LOL.. Makalipas ang dalawang oras na kantahan, nagpasya na kaming magsiuwi na. Mga past 12 midnight na kami natapos.

*****

Ang masasabi ko lang about sa naganap na second meet-up — masarap sa feeling na may ma-meet na ibang tao especially with the same passion as yours. Iba-iba kami ng way ng pagsusulat, iba-iba ng niche, iba-ibang personality, iba-iba ang pinaghuhugutan, mga pinagdaraanan, iba-ibang mga hanash sa buhay, pero kahit na ganoon, kaming lahat ay nasa iisang pahina lamang.

Hangad ko na lalu pang lumaki ang TFIOB family, at naway sa mga susunod pang meet-up ay mas marami pa ang makapunta at makasama.

Oh sya, hanggang dito na lang.

Hanggang sa muli. Babush!

 

P.S. May ginawa din pala akong video nung meet-up. Check niyo na lang sa FB page ng group. Oh siya, alis na talaga ako..

#Pawerrr!!!

 

Advertisements

23 Replies to “#TFIOB: Pawer Na Pawer Na Mga Blogger – Ikalawang Bugso”

  1. Maganda sa buhok yung Nature Republic Aloe Vera 92% Soothing Gel. Sa Seoul ako nakabili nito pero merom din naman yata dito sa Pinas. ๐Ÿ˜Š

    Eto nanaman ang kwento ni Aila. Di ko nanaman mapigilang tumawa. HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

    Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s