#TFIOB | Unang Aybol Ng Mga Pawer Na Blogger

TFIOB The Fault In Our Blogs
Clockwise: Me, Jonathan, JC, Jonalyn, Jas, Althea, Rhea..

So ayun na nga po noh!

Nung nakaraang linggo naganap ang unang eyeball ng mga miyembro ng The Fault In Our Blogs or TFIOB. Para sa kaalaman ng lahat, ang TFIOB ay grupo ng mga WordPress bloggers na naging magkakakilala lamang dahil sa comment section ng blogosphere.

At dahil naging close na ang bawat isa, kaya naisipan namin na gumawa ng FB Group para doon na magkulitan at magtanong ng mga blog related concern. Sa mga hindi pa member, welcome po kayo sa group. Paki search lang po ang The Fault In Our Blogs sa Facebook, or paki click na lang ang link na ito https://www.facebook.com/groups/tfiob/.

Okay, so mabalik tayo sa eyeball. Paano nga ba nagsimula yung plano na yun? Ganito kase yun mga ka-Bagang, last month kase (November) is my birth month . At since birth month ko nga, naisipan kong magpost sa group na magpapa-kape ako sa buwan ng kapanganakan ko, at invited ang lahat – mapa-open minded man or hindi. 😀

Nung una nga nagdadalawang-isip ako kung dapat nga ba akong mag-imbita in the first place. Kase dalawa ang fear ko eh.

Una, baka walang pumansin kung ipo-post ko yun sa FB. Baka mapahiya lang ako. At yung pangalawa is the opposite, baka naman lahat ng member eh magpunta nga. Imagine kung halimbawa 30 members yung nagpunta tapos sa Starbucks ko lahat ililibre, magkano aabutin yun? Di ko naman sila pwedeng bigyan ng 3-in-1, baka siraan pa nila ako sa mga blog nila. LOL

So yun na nga, ininvite ko sila kase birth month ko, kaso karamihan sa kanila hindi available ng November. Kaya ang nangyari naging December 2 yung napagkasunduan. So okay, sige payag ako kahit hindi ko na birth month yun. Ako na lang mag-aadjust.

Ngayon ang tanong naman eh saang lugar magkikita? Since karamihan ng mga nag-confirm ay bandang North, kaya naisipan kong sa SM Mega Mall na lang magkita-kita.

Pero sa totoo lang, kung ako ang masusunod mas pipiliin ko sa parteng Alabang or di kaya sa MOA na lang. Taga South kase ako. Pero sige, ako na lang uli ang mag-a adjust. LOL

Sa Starbucks ang unang napagkasunduan na magkita-kita, pero ang ending sa J.Co ang bagsak namin. Okay lang sakin, hindi rin naman kase ako nagkakape. Pero don’t worry, kahit matuloy man yung sa Starbucks, I’m willing to adjust naman eh. Heheh..

So ayun na nga, nung araw na nang EB ang unang dumating ay si Keso (JC ) at ang kanyang misis (Jona). Ako ang pangatlo, sunod si Jas, then si Jonathan, Rhea, and lastly si Aila.

Since hindi ko naman na daw birth month, kaya KKB na daw dapat kami sabi ni Keso. Hahaha.. May punto nga naman siya, at pabor sakin yun. Pero sige, sagot ko na lang kako yung donut na kakainin namin. So yung pa-Kape ko, ayun naging pa-Donut! 😀

Nung una akala ko magiging awkward at puro dull moment ang mangyayari kase nga first time naming lahat magkita-kita. Pero hindi ganun ang naganap. Right from the get go parang close na kami sa isa’t-isa. Masaya ang kwentuhan at puro tawanan.

Ito ang first time na may ma-meet akong kapwa ko blogger. Mga taong dati nakakausap ko lang sa comment section ng blogosphere at nagbabasa lang ng mga blog post nila, pero this time kaharap ko na mismo sila.

Masarap ang feeling na makita ang mga taong ito in the flesh, at makaututang-dila sila habang humihigop ng malamig na frappe at kumakain ng malinamnam na doughnut. Heheh..

At syempre, hindi mawawala ang picture-picture… selfie dun, selfie dito. And since dala ko na din yung action cam ko, nag-video na din ako kasama sila. At dala na rin siguro ng hype, ayun sumigaw kami ng “Pawer!”

Gaano kalakas? Nagtinginan lang naman samin yung 70% ng mga customer sa J.Co. Hagalpakan kami ng tawa after. Hahah..

Hindi obvious na nag-enjoy kami. From 2:00 PM, nagsiuwi kami mga 8:30 PM na ng gabi. At bago matapos, iminungkahi ko na i-blog namin ng sabay-sabay (same date and time) yung nangyaring eyeball. Curious kase ako sa iba’t-ibang perspective at pananaw ng tao.

Noon ko na pa gusto mangyari na magkaroon ng isang event ang TFIOB, tapos lahat ng mga umattend ay iba-blog yun. Gusto ko makita kung paano nila isusulat yun at kung ano ang mga tumatakbo sa isip nila. Curious ako by other bloggers’ point of view.

So by the time na mabasa niyo itong blog post na ito, I’m sure yung mga kasama ko sa eyeball ay nakapag-post na rin sa kani-kanilang blog. At sana, maulit pa uli yung eyeball at mas marami pang makapunta.

Oh sya, ipa-publish ko na ito nang mabasa ko na din yung blog post nung iba. At sa mga hindi pa nakapanood ng video namin, naka-embed sa baba yung Youtube video. Watch nyo na lang yung panandaliang “Pawer” namin. LOL

P.S. Nasa Iloilo ako ngayon habang ginagawa itong blog post na ito. Napilitan pa tuloy akong mag-Netopia para lang dito. At akala ko sapat na yung 1 hour, bitin pa din pala. Napa-extend pa ako ng another hour. 30 minutes lang dapat, pero sabi wala daw 30 minutes, dapat daw 1 hour talaga. Kumbaga sa kanin, ayaw nila ng half-rice lang. Gusto nila isang cup ng kanin ang orderin mo. Hayyss… Oh siya, tomjones na din ako eh.

Hanggang sa muli.. Babush!

Shades of Wanderer signature

61 Replies to “#TFIOB | Unang Aybol Ng Mga Pawer Na Blogger”

  1. Kudos for the Master Initiator! Super enjoy ako sa writeups. Galing! I love the fun, ung saya na may ma meet in person na super clique kc you share with their passion and interest. Thanks sa update!

    Liked by 1 person

    1. Heheh.. Thanks Albert. Actually nagdalawang-isip pa ako dati kung i-invite ko sila sa pa-kape ko, kase nga mahiyain din ako. 😁 Mabuti na lang tinuloy ko. Ayun, finally na-meet ko na din sila. Next time try namin mag-group call para makausap din kayong mga nasa abroad.. ☺

      Liked by 1 person

  2. Werpa (pawer)!!
    Word of his day?
    “Ako na lang mag-aadjust.” -gamit na gamit sa blog mo aa. Pinanindigan mo talaga.

    And agree, cool ang malaman ang mga perspectives at way ng kalalabasan ng blogs ng mga naka attend😊😍😉. Well done.

    Liked by 1 person

Leave a Reply to Krishel Cancel reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s