Walkathon Sa Kahabaan Ng Ayala Avenue

 

So ayun na nga po noh.. Napag-isipan kong maglakad-lakad naman para makapag-exercise kahit konte. Since busy ako at wala ng time tumakbo, naisip ko na pakonte-konte eh agahan ang pasok sa opisina (graveyard shift) para makapaglakad-lakad kahit mga 30 mins.

More than a year na nung napatigil ako sa pagtakbo (madalas ako mag half-marathon dati), tapos sa opisina lagi pa akong nakaupo, at hindi rin ako nagco-commute, kaya ang lakad lang na nagagawa ko eh paglalakad lang sa loob ng opisina at loob ng bahay. So eto na yung unang gabi para simulan kong muli ang pagkikilos-kilos at paggagalaw-galaw.

At ang ganda pala. Ang sarap pala maglakad sa Makati kapag gabi.

Presko, walang init, wala masyadong tao.

Tapos ang dami kong natuklasan. Yung mga tindahan na hindi ko nakikita dati eh meron pala. Gaya nung nakita kong noodle house. Hindi ko alam na may ganung resto pala malapit sa office. Mahilig kase ako sa ramen eh. So ayun nakita ko yung Tan Tan Men. Mukhang masarap yung tinda nila at ang mura pa. Pati Thai resto meron din akong nakita. Next time babalikan ko yun para matikman yung mga noodles nila.

Hindi lang iba’t-ibang tindahan at restaurant ang natuklasan ko, pati hardware meron din malapit sa building namin. Akalain mo yun, may hardware sa Central Business District ng Makati?

At syempre para ma-monitor ko ang aking progress, like kung ilang hakbang na yung nilakad ko, ilang calories na yung na-burn ko, etc.. may suot akong fitness tracker – walang iba kundi ang Fitbit! (This is not a paid advertisement) πŸ˜€

Hindi ko sila ini-endorse, pero kayong mga taga Fitbit dyan, pwede akong gumawa ng paid review para sa product nyo. Inform nyo lang ako, mura lang naman TF ko eh. LOL

At para magawa ko itong blog, ginawa ko ito sa pamamagitan ng pag re-record through cellphone bago ko siya isulat. Kase wala din akong kausap habang naglalakad, so ayun yung phone na lang ang kinakausap ko. Kunyari may kausap ako sa phone, pero ang totoo nagre-record talaga ako at ang sarili ko lang ang kausap ko. Hahah..

Mas okay na siguro yung ganitong style nang pag document ng ginagawa ko (real time, ala vlog), na kunyari may kausap lang ako sa phone pero nagvo-voice recording pala. Mas komportable na ako sa ganito kase hindi halata, compare sa may hawak akong malaking camera at nakaharap sa akin all the time. Shy type kase ako eh, kaya ganito na lang through voice recording na lang. πŸ™‚

So ngayon nakaka 700 meters palang ako in 12mins.

Mukhang mapapadalas kong gagawin ito. Nakaka enjoy din pala at nakaka relax,. Tanggal stress, tsaka ang sarap mag-obserba kapag naglalakad ka. Marami kang nakikitang mga bagay-bagay na hindi mo naman masyadong napapansin dati.

Nakikita mo yung ibang nagja-jogging, yung mga magjowa na nasa dilim at naglalampungan, mga taxi driver na nagpapahinga, mga Uber driver na nag-aabang ng magbo-booked sa kanila, mga construction worker na nakaupo sa gilid-gilid, atbp..

So okay toh, mapapadalas tong walkathon ko. Hindi siya kasing hardcore gaya ng intense jogging or sprint. But at least, I’m doing something to keep me fit.

Nag-time in lang ako kanina sa office, tapos lumabas na. Sabi ko sa officemate ko na 30 minutes lang ako mawawala. Next time mas aagahan ko pa para mas malayo-layo yung mapuntahan ko.

Ay teka, mukhang construction area yata tong napasukan kong kalsada. Whew! Ang alikabok!

Anyway, next time magdadala nako ng headset para may music konte. May nakasabay kase ko na parang nag aalay-lakad din gaya ko, tapos naka headset siya. So sabi ko mukhang okay na idea yun.

Tsaka okay rin pala talaga yung idea ko na ganito kase parang hitting 2 birds in 1 stone. Bukod kase sa nakakapag exercise na ako for good health, eh hindi pa ako mali-late sa work.

Lately kase, napapadalas ang pagiging late ko. Buti na lang hindi pa ako name-memohan. Naghigpit pa naman ang opisina ngayon sa mga nali-late. Paano kase may bagong HR Manager, kaya ayun, medyo nagpapakilala konte. Hehehe..

Napansin ko na medyo hinihingal na ako sa pagsasalita kahit naglalakad lang ako. Eh samantalang dati kaya kong magsalita ng normal kahit nagja-jogging (batak-sa-takbo days). Kaya dapat ma-improve ko ito, so practice-practice muna ngayon.

Kapag napapadaan ako sa may hagdan ng underpass sa may Ayala Avenue, medyo tinatakbo ko na para mag pump pa ng husto yung heart ko. Eto na lang yatang pagtakbo ang nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko eh.. LOL

So bago bumalik ng office, eto picture-picture muna.

dav
Almost 15 years ko ng dinadaan-daanan itong Manila Peninsula, pero ngayon ko lang siya na-picturan.
DCIM100GOPROGOPR2908.
Bus po yang liwanag na dumaan sa harap ko. Ginamitan ko ng long exposure. Hindi ko alam kung na-achieve ko yung shot na gusto ko. Pero keri na rin.. πŸ˜‰
Ayala Ave1
Finally, eto tingin ko mukhang nakuha ko na yung long exposure na hinahanap ko. Yan po ang Ayala Avenue sa gabi, yung wala masyadong sasakyan.

Mukhang napasobra pa ako sa 30 minutes. Di bale, nakapag time-in naman na ako eh. So okay lang kahit late na ako bumalik ng office. LOL

Eto na summary sa Fitbit ko (Ahem! Again Fitbit, just contact me anytime πŸ˜€ ) :

Time: 55:01.17
Kms: 4.62
Speed: 11’54″/km
Average BPM: 143
Calories: 595
Steps: 5,274

So ayan po mga Ka-bagang, nai-share ko lang. Medyo iniba ko muna blog post ko, hindi muna about adventures at travel. Pero parang related pa rin naman kase binaybay ko yung Ayala Avenue eh, so pwede na rin. πŸ˜€

Carpe diem!

God bless everyone..

Shades of Wanderer signature

Advertisements

26 Replies to “Walkathon Sa Kahabaan Ng Ayala Avenue”

  1. naalala ko po bigla ojt days ko. inisip ko baka estudyante pa ko kaya naeenjoy ko lang din yung paglalakad ko sa ayala ave, Makati ave, saka dun po sa paGil Puyat/buendia (po ba yun?)habang humahagilap ng bus pauwi hahaha feeling ko po tuloy reasonable naman pala yung pagkaenjoy ko dahil sa post na ‘to hahaha

    Liked by 1 person

    1. Hahah.. Oo, kahit nung nagti-training pako sa work ko dati nung bago pa lang ako, gawain ko din yan. Naglalakad sa Makati habang naghahagilap ng bus or jeep. πŸ˜€

      Pero mas enjoyable kapag relax lang yung paglalakad mo at walang iniisip. Try mo uli next time. Heheh..

      Liked by 1 person

  2. Jeff! hahaha curious ako sa recording mo na yan parinig hahaha! Tsaka ung Manila Pen, wala lang naalala ko dyan nag mutiny sila Trillianes Hahahaha! Awuw 595 calories! Abangan mo baka contakin ka ng fitbit hahaha!

    Liked by 1 person

    1. Hahaha.. Ayoko iparinig, baka pagtawanan mo lang. Naiimagine ko na nga reaction mo eh. πŸ˜‚

      Ah, oo nga noh? Dun nga pala nagpasugod ng tangke yung pinaka favorite mong senador na si Trillanes. Hahah.. What a coincidence.

      Yaan mo pag kinontak ako ng Fitbit, sayo yung unang package na ipapadala nila. “Kapag kinontak” lang ah? Pag wala, nganga na lng tayo.. 😁

      Liked by 1 person

  3. Para po palang ako ikaw. Eh? Haha. Hindi ko pa din nalilibot ang Makati.

    Saan po gawi ung Tan Tan Men? Saka po ung Thai resto? Siguro yun ung resto na nasa LOVE is BLOG ni Dr. Eamer. Haha.

    Magandang ideya nga po ung recording. Magaya nga. Haha. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

    Ano pong ginamit niyong gadget dun sa long exposure. Ang danda. 😍😍😍

    Liked by 1 person

    1. Yung Tan Tan Men along Dela Rosa street lang. Yung Thai Resto naman na Songkran nasa Valero street. Tapos katabi naman nun ay Yoshinoya. Puro mga noodles.. 😊

      Oo, okay din na style yung recording. Yung parang raw vlog style, pero instead na nakaharap sa camera eh nakalapit lang yung phone sa bibig mo. Ang bilis ko nai-type tong blog na toh dahil sa ganung style.

      GoPro Hero4 ang gamit ko dun sa mga long exposure. πŸ˜‰

      Like

    1. Hi Chiara. 7 years? Matagal-tagal na din pala. No plans of having a vacation here?

      Regarding long exposure, thanks sa pag-appreciate. 😊 Medyo nahihilig ako sa night shots lately. Just followed you BTW.. ☺

      Like

  4. So late ang comment ko–

    “Presko, walang init, wala masyadong tao.”
    Truth! Lalo na pag bandang alas tres ng umaga tapos tingala ka, pag may malalaking pakpak dumapa kana, hindi na ibon iyonπŸ˜‚.

    Fitbit, how to be you po?

    Mau part akong natawa ee, ano nga iyon ? Aa! Iyong sa vlog thing and recordings. Wala bang sample jan?πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜Ž.

    Hinagawa ko din iyan pag nag dodoc ako, ngalang napagbubuhulbuhol ko kaya sa notelad nalang din ang pagsak.

    Pak iyan, kaso parang depende sa settigns pag naghradset ka, walang continuous cherva. Hahahah.

    Sa susunod lahabaan naman ng edsa mga 8am hanggang 2pm. πŸ˜‚

    Liked by 1 person

    1. Hindi ako naka headset nung ginawa ko yung ala-vlog na recording. Derecho phone lang mismo, kaya mukhang may kausap lang ako sa CP. Heheh..

      Yoko sa Edsa.. stressful dun. Traffic na, mausok pa! 😲 😷 πŸ˜† Pero in fairness sa Edsa, may forever dun ah? Heheh..

      Like

      1. Bakit hindi i-try?
        From travel blogger na nag feature ng
        Ka fitnessan ++ endorser, na nag ala erwan husaff sa pag fofood trip sa bangkok, at para makompleto na, travel blogger naman on its way to forever!

        Ang bright bright diba? Sarap sapukin. πŸ˜‚

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s