Gabi ng Parangal | 14 Facts About Me

Hindi pa naman actually gabi ngayon, pero yan lang ang trip kong title, so pagbigyan nyo na.

Thanks kay Thea, aka #AilaVet for nominating me, or should I say, sa aming lahat, kase pati pag nominate hinakot mo din. Nilahat mo na kami so wala na kaming mano-nominate nyan. πŸ˜€

The Unique Blogger Award

awards_Unique

The Rules:

  • Kindly thank the person who nominated you!
  • Answer the 3 questions asked by the person who nominated you.
  • Nominate 8-13 bloggers for this award!Β 
  • Ask the people you nominated 3 questions.

 

The One Lovely Blogger Award &Β The Versatile Blogger Award

awards_Lovelyawards_Versatile

The Rules:

  • Thank the person who nominated you!
  • Share 7 facts about yourself.
  • Nominate 10 other bloggers of your choice.
  • Link your nominees and let them know you nominated them!

 


 

Medyo late ko na napansin na isa pala ako sa mga nominees kase kagagaling ko lang ng Bangkok, Thailand so medyo wala pa ako sa wisyo. Ngayon pa lang uli ako napadpad sa WordPress.

So again, thanks to Thea. Eto ang sagot ko sa tatlo (3) mong katanungan:

1. What is your advice for someone who had a friendship break-up?

Friendship break-up? Meron pala nito? Ngayon ko pa lang kase ito narinig. Sabagay, wala naman kaseng forever eh. Hahaha..

Anyways, seriously speaking, lahat naman halos ng break-up ay masakit. So instead na magmukmok ka sa isang tabi, ang gawin mo lumabas ka, mag-enjoy kasama ng mga kaibigan mo at mahal mo sa buhay, atbp..

Mare-realized mo na madami ka pa palang ibang kaibigan na hindi mo lang nabibigyan o napagtutuunan ng pansin.Β Para lang daw yang elevator. Pinagpipilitan nating isiksik ang sarili natin dun kahit hindi na pwede, eh may hagdan naman, hindi mo lang pinapansin.

At isa pa, kung ano man ang dahilan nung friendship break-up na yun, huwag mo na isipin yung mga negative. I-delete mo na yun. Ang isipin mo na lang yung mga positive at mga masasayang pangyayari sa inyong magkaibigan. Napapaligiran na tayo ng puro negative, esp. sa mga balita sa TV, kaya huwag na nating dagdagan pa ang mga negative vibes sa buhay natin.

2.Β Are there any regrets you have? What are those?

Wala akong masasabing regret talaga sa buhay, kase kung ano man ako ngayon ay dahil yun sa mga past experiences and mistakes ko sa buhay. Ang marami ako ay mga what if’s.Β 

Like, what if uso na yung social media at mga promo fare ng mga airlines noon, kami pa rin kaya ng ex ko nung high school? Hirap pa mag-LDR that time, year 2001 to be exact! πŸ˜‰ Oh, wag na kayo mag-compute, please lang.. πŸ˜€

Another one is what if tinanggap ko yung offer na maging drummer sa isang church dati? Playing drums is really my favorite musical instrument before, pero dahil complicated yung situation, hindi ko siya tinanggap. And fast forward, keyboardist ako ngayon sa church namin. Until now that offer is still in my head. Pero happy na ako ngayon kase yung kapatid ko ang drummer namin, at mas magaling siya sakin compare nung peak/active pa ako sa drums.

At yung isa pa, what if alam ko kung kelan kukunin ni God si Mama? Siguro araw-araw niyayakap ko siya. Hindi pa naman ako showy na tao, pero kung alam ko lang ang mga bagay na yun, hindi ako magdadalawang-isip gawin yun. Huhuhu.. napapaiyak ako..

3. What is the most memorable and proudest moment you have in your life?

Isa sa mga memorable and proudest moment ko sa buhay ko sa ngayon ay nung nakatapos ako mag-college. I know it sound cliche, pero kase matindi ang pinagdaanang pagsubok ko at ng pamilya ko nung college ako, kaya masayang-masaya ako na finally nakapagtapos ako sa pag-aaral.

Ayoko na i-elaborate pa ang mga nangyari, kase sa likod ng mga kasiyahan at kalokohan ko sa buhay, ay matitinding pagsubok ang pinagdaanan ko. And I am thankful for that, kase dahil dun naging matibay akong tao. So isa din yun sa proudest moment ko, yung napagtagumpayan ko ang mga pagsubok na yun. πŸ™‚

 

14 Facts About Me

1. I am a night owl type of person. Nocturnal kumbaga. Mas active at mas nakakapag-isip ako sa gabi. Since hapon pa lang ngayon, kaya wala pa masyado pumapasok sa utak ko.

2. May sweet tooth ako. Mahilig ako sa matatamis, kaya sa lahat ng pinupuntahan kong lugar lagi akong may inuuwing sweet delicacies.

3. Chocolate lover din ako, pero this time ayoko ng masyadong matamis. Gusto ko yung mapait. Kakaumay kase sa chocolate kapag matamis masyado, kaya gusto ko yung mga dark chocolate kase bitter-sweet yung iba. Tsaka parang relationship lang kase yan, hindi laging matamis, minsan may pait din. πŸ˜€

4. Hirap ako makatulog kapag walang kumot. Kahit wala akong unan, basta may kumot, solved na ako.

5. I love noodles! Ewan ko, pero kapag may nakikita akong any food basta may noodles, natatakam ako. Ang kaso, pinagbawalan na ako ng doctor na kumain ng mga instant noodles. Kaya nung nag Singapore at Bangkok ako, halos araw-araw Laksa, Pad Thai, Noodles Soup ang mga tinitira ko. Haven ang dalawang bansa na yan para sa akin. Ngayon pa nga lang natatakam na ako. Target ko next ay Japan naman, para Ramen naman ang titirahin ko. Yummy! πŸ™‚

6. Kaya kong matulog kahit pa malakas humilik ang katabi ko. Mas hirap pa ako matulog kapag bukas ang ilaw.

7. Ang favorite kong subject nung elementary ako ay Science (thanks Sineskwela!). At PE naman nung college ako.

8. Panganay ako sa aming apat (4) na magkakapatid, kaya sa early stage pa lang ng buhay ko ay natuto na akong umako ng mga responsibilidad. Pati nga mga pagkakamali niya, inako ko na din eh. πŸ˜€

9. Gaya ng nasabi ko na kanina, I love playing musical instruments. I play keyboard, bass guitar, drums and acoustic guitar. In order ang mga yan based sa kung ano ang mas pinaka favorite ko.

10. Lahat kami sa family namin ay musikero. Tatay ko nagpi-play ng mga wind instruments like trumpet, trombone and harmonica. Ako sa keyboard, yung pangalawa kong kapatid ay acoustic guitar, yung pangatlo ay drums, at yung bunso ay bass guitar. Si Mama naman sa vocals. Pwede na kaming magtayo ng banda.

11. Dream ko makasali sa triathlon, or maging isang triathlete, kaso ang problema hindi ako marunong lumangoy. Hahaha.. At isa pa, sobrang busy na ako ngayon para mag-train for run, bike and swim. Siguro running a full-marathon (42kms) is more attainable. Yun na lang muna siguro uunahin ko.

12. Nag-start akong magtrabaho sa corporate world at the age of 17! Saan ka pa? Heheh.. I know bawal yun pero nakalusot ako. πŸ˜€

13. Hindi ako takot sa commitment at higit sa lahat, loyal ako. Kapag ako nagmahal, dun lang talaga ako magfo-focus. Gaya na lang sa work, more than 10 years na ako sa company namin. Ganun ako ka-loyal. Ang tanong, siya ba naging loyal sa akin? I mean, yung company? πŸ˜€

14. Gaya nga ng sabi ko, hindi pa gabi ngayon, kaya wala pa ako sa wisyo. Mamayang gabi ko na lang iisipin yung pang 14.
Hindi na ako magno-nominate kase na-nominate na ni Thea lahat ng kakilala ko. Tsaka dahil nga hapon pa ngayon, wala din papasok sa isip ko na pwedeng i-nominate. So ayun, hanggang dito na lang.

Babush!

D1_Logo_Large_without_png

Advertisements

27 Replies to “Gabi ng Parangal | 14 Facts About Me”

      1. Iba-iba eh. About Christian living, music, tsaka mga iba’t-ibang hugot sa buhay. 😁 Nakita ko pa dun si Chinkee Tan at Marvin Germo, mga author yan ng mga books na binabasa ko dati. Maraming authors na nandun for book signing.

        Like

  1. Kuya, nocturnal ako tsaka morning person din. Ano na tawag sa akin pag ganun? HAHAHAHA!

    Nagtry ako magdrums dati pero ang hirap ng rhythm ang hirap isabay ng pedal at arms 😩 Nauwi ako sa bass and acoustic okay na din 😌

    Hindi ako tinanggap sa BPO nung 17 ako. Paano mo ginawa yun? Tips! πŸ˜‚

    GUSTO KO BIGLA NG RAMEN 😭 Sa Ippudo the best kaso the best din price πŸ’” Sama mo kami sa trip sa Japan! Pagiveaway kang plane ticket HAHAHAHAHAAH

    Liked by 1 person

    1. Nocturnal at the same morning person? Kakaiba yun ah. Kumbaga sa Ghost Fighter, pang class S na halimaw yan. 😁

      Natanggap siguro ako dahil nag-base sila sa year. November ako magiging 18 nun, kaso July pa lang nung natanggap ako kaya akala nila 18 na ako by just looking at the year. πŸ˜‰

      Ang mahal dyan sa Ippudo eh. Kahit sa Japan alam ko mahal din. Pero di bale, minsanan lang naman yun kaya kakain pa din ako ng maraming ramen dun. Heheh.. Si Doraeman na lang ang gagawin kong giveaway. πŸ˜€

      Like

  2. Parehas tayo, Kuya!!! Hindi rin ako nakakatulog ng walang kumot! Kahit anong init pa, dapat talaga may kumot. Tapos hindi rin ako nakakatulog na bukas ang ilaw. Ang kaibahan, hindi ako lalo makatulog kapag may ingay. Kahit anong sound pa ‘yan. Ang galing mo sa part na ‘yun.

    At teka lang naman, bakit may pahugot ata sa “siya ba naging loyal sa akin? I mean, yung company?” Hahahaha

    Liked by 1 person

    1. Hahaha.. Wag mo na pansinin yung hugot, sa kumot na lang tayo mag-concentrate. 😁

      Apir tayo dun! Same pala tayo. Sa hilik lang tayo nagkatalo. Actually, yun lang ang noise na tolerable sakin. Pag ibang noise na, hirap na din akong makatulog.

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s