Awesome Blogger Award

After almost a month, ngayon pa lang uli ako makakapag post sa blog na ito. Ang dahilan ay mababasa niyo dito.

Pero plano ko na itong i-revive uli kase may naisip na akong ibang paraan para ma-maintain ang views ng dalawang blogs ko. More on that sa mga susunod kong blog post.

For now, dito muna tayo sa Awesome Blogger Award.

What a way to start this month for this kind of recognition. First time ko ito mga Bes, kaya papatulan ko toh. 😀

Nakakatuwa lang kase dalawa pa nag-nominate sa akin. At dahil nga papatulan ko ito, kaya sige 20 questions ang sasagutin ko mamaya. 🙂

I would like to thank Aysabaw who nominated me for this award, and also to Space who nominated me as well. Visit their blog guys and I’m pretty sure you will enjoy reading their blog posts as much as I do. 🙂

Before ko pala sagutin yung mga tanong, let me just make some kwento (conyo mode on, LOL). Lingid sa kaalaman ng lahat, ang dalawang dilag din na ito ang first and second na ni-follow ko dito sa WordPress.

Tapos ngayon sila din ang nag-nominate sa akin dito. What a coincidence diba?

At isa pang trivia, si Aysa din ang kauna-unahang follower ko. Yun yung mga panahong dalawa (2) pa lang yata ang blog posts ko. Natuwa ako kase nag followback siya kahit I’m just “nobody” at hindi pa kasikatan – though until now hindi pa rin naman ako sikat. Hahaha.

Ewan ko, siguro baka out of courtesy na lang kaya siya nag-followback. 😀 But whatever reason, I’m glad na nakilala ko siya dito sa Blogosphere.

Kaya ko pala nakita si Aysabaw kase nag-searched ako about Singapore. Months before that kase galing din akong SG, so naghahanap ako ng may post about Singapore. At nakita ko nga yung post niyang Singapore Misadbentyurs.

Dun ko lang nalaman ang tamang pag-pronounce sa Orchard Road. LOL. Natuwa ako sa post niyang iyon kase ako din nahirapan intindihin yung Singlish nila (Singaporean English). Pati na din yung Si Kiko at ang kanyang Creative Ways of Pagpapatiwakal nakakatuwa din basahin. So clever! Hehehe.

Kaya ayun, I clicked the Follow button right away. Tsaka natuwa din ako sa name ng blog niya, medyo kakaiba kase. Sa name pa lang alam mong masabaw na sa impormasyon ang nilalaman ng blog niya. 😀

Si Space naman on the other hand ay natuklasan ko sa isang related post, yung blog niyang Krabi. Dito ko nalaman na takot daw pala ang unggoy sa kambing. Bakit kamo? Click the link to find out.

At huwag niyo din kalimutan i-check yung About Me page ni Space, kase dahil diyan kaya napa-click din ako ng Follow button. LOL. Nakaka good vibes kase. Kaya Space, dalasan mo pagpo-post ah? Post-post din pag may time, wag puro aura. Hahaha.

So ayun, pasensya na medyo napahaba yung introduction. Proceed na tayo sa mga katanungan.

 

THE RULES:

-Thank the person who nominated you.
-Tag it under #awesomebloggeraward in the Reader
-Answer the questions your nominator gave you.
-Nominate at least 5 awesome bloggers.
-Give your nominees 10 new questions to answer.
-Let your nominees know that they’ve been nominated

 

Aysabaw’s Questions:

1. Do you prefer sunrise or sunset?

Sunset! In fact, laging nasa itinerary ko ang pag watch ng sunset sa tuwing magta-travel ako. If may opportunity, lagi akong may timelapse video ng sunset. Sarap kase panoorin. Hindi sa ayaw ko ng sunrise, pero dahil nga graveyard shift ako sa work, kaya hindi kami nagkikita. 

2. What’s your dream destination?

Egypt.. Gusto ko kase makita ng personal yung mga pyramids nila. Puno kase ng misteryo yun. Biruin mo kada isang bloke nun ay tonelada ang bigat, so paano daw natayo ng ancient Egyptians ang ganun kataas na pyramid? Tsaka sa panahon daw ngayon, kahit gamitan ng mga advance na gamit, mahihirapan daw gayahin yung mga pyramids nila. 

Ang ganda din daw ng pagkaka-design nun, parang mga advance/expert architect and engineers ang nag-disenyo. At isa pa, meron din daw sa loob na parang mga kwarto na gawa sa granite. Sabi ng mga dalubhasa, imposible daw na makakuha ng granite sa lugar na yun. At yung granite pa na nakita nila ay perfect ang pagkakalapat sa mga dingding. Yung tipong kahit i-point nila yung flashlight nila, walang tumatagos na liwanag. 

Nakakamangha, and at the same time nakakapagtaka talaga kung paano naitayo ang pyramid sa Egypt. Ayun po ang dahilan kaya gusto ko makarating dun. 🙂

Isingit ko na rin pala, gusto ko rin sana makita ng personal yung Great Wall of China. Lolo ko kase ay pure Chinese, kaya feeling ko part yun ng history nila, or should I say namin, kaya mas okay sana kung mabibisita ko siya. 

At last na trivia uli, hindi daw totoong matatanaw ang Great Wall sa Moon. Myth lang daw yun. Eh sa Google Maps nga hindi na siya makita eh, sa Moon pa kaya. LOL (Pwede na ba ako maging Kuya Kim?) 😀

3. What’s your favorite way to pass time at home?

Playing piano siguro, or di kaya listening to music while reading. 

4. How do you usually spend a lazy evening?

Watching Youtube videos ng TEDTalk, different vloggers, and self-help videos.  

5. What do you usually have for breakfast?

Oatmeal and banana. (Naks, healthy!) Pag tinamad magprepare, kahit ano nasa mesa, lafang! 

6. Have you ever traveled alone? How’s the experience?

Definitely YES! In fact, madalas nga akong solo traveler eh. Nung unang beses medyo nanibago lang ako. Pero nung mga sununod na, nagamay ko na kung paano ang tamang diskarte. Mas marami akong nakakasalamuha kapag solo lang, kase wala ka talagang choice kundi paganahin ang social skills mo, which is good kase marami kang nami-meet na tao.

My experiences in traveling solo and meeting people along the way is what inspired me to make this blog. You can check my other adventures here

7. What’s your favorite book and why?

One of my favorite book is Purpose Driven Life by Rick Warren. Dito kase talagang malalaman mo kung ano ang purpose mo dito sa lupa. Its a great book, so try nyo din basahin kapag may time kayo. 

Sa local author naman, gusto ko basahin ang mga books nila Ed Lapiz and Bo Sanchez.

8. Is there any language that you would like to learn? Why?

Since Chinese nga ang lolo ko, kaya yun din ang gusto kong matutunan. Nag-aral ako dati sa Chinese school nung Grade 1, pero dahil hindi kinaya ng katawan ko yung byahe araw-araw, kaya after 2 months lang inilipat ako ng parents ko sa school dito sa tapat namin. Hindi na siya chinese school, kaya ayun, hanggang pag-count lang ng Chinese ang alam ko. Hehehe. 

9. What do you think about before you fall asleep?

Nagme-meditate ako before matulog eh, so I try to empty my mind para mas relaxing ang pagtulog. Kung may iniisip man ako during meditation, madalas sunset yun or di kaya mga alon sa dalampasigan. 

10. Would you change your name if you could? And what would be your preferred name?

Hindi na siguro. Satisfied na ako sa name na binigay ng Nanay ko sa akin. 🙂

 

*****

 

Space’s Boom Boom Pak Questions:

1. Kung mananalo ka ng 1 million, ano gagawin mo?

Seryosong sagot ko dyan, 10% of that will be my tithe.

Then yung matitira, idi-divide ko yun para ilagay sa bangko, sa investments (mutual fund, stocks), at pang venture sa business.

2. Nanunuod ka ba ng Game of Thrones? Kung oo, sino ka sa mga character? Kung hindi, eh di next question.

Sorry, hindi eh. Magmula kase ng na-adik ako dati sa Prison Break, pinangako ko na sa sarili ko na hinding-hindi na ako manonood ng series. Nakaka-ubos talaga siya ng oras kase aabangan mo eh. 

3. Anong mapapayo mo sa mga baguhang bloggers na katulad ko? Awuw bago.

I think ako dapat ang magtanong niyan kase mas bago akong blogger kesa sayo. Hehehe. So anong mapapayo mo sa akin? 

4. Ano ang dream job mo?

Simple lang dream job ko, basta yung kumikita ako habang nagta-travel. Kase parang walang stress, tapos nakakapunta pa sa mga lugar na gusto mo. I always envy those Youtube travel vloggers kase paid yung mga travel expenses nila, tapos kumikita pa sila sa pagvi-video blog lang. 

5. Sa lahat ng blog post mo, alin dun ang favorite mo?

Eto pa lang yata. LOL. Hindi ko masabi eh, pantay-pantay kase ang pagmamahal ko sa kanila. (Hugoat!) 

6. Sino inspiration  mo sa pag susulat?

Marami eh, pero honestly speaking, isa ka Space, at si Aysa sa mga inspirasyon ko sa pagsusulat. Kaya nga tagalog mga blog post ko kase yung mga tagalog posts niyo ang una kong nabasa nung napadpad ako dito sa Blogosphere. Natuwa ako kase hindi pala corny kapag tagalog ang blog. Masarap pala siya basahin at hindi nakakadugo ng ilong. Kaya eto, tagalog na din lagi ang gamit ko dahil sa inyo. Walang halong eklavu yan ah? Hehehe. Halos lahat naman ng pina-follow ko inspirasyon ko. Iba-iba kase ng way ng pagsusulat ang bawat blogger. Si Doctor Eamer at Jayson Santos iba din ang way nila. Basta parang sponge lang ako na nag-aabsorb sa mga talento niyo sa pagsusulat. 

7. Eto nabasa ko lang… Would you rather go back to your past and change it or see your future?

I would rather go back sa past siguro, rather than see my future. May mga pangyayari sa mga past ko na gustong balikan at marami din akong mga “what ifs”. But then because of those experiences kaya nandito pa rin ako, matibay at matatag. 🙂

8. August na, how’s your 2017 so far?

So far, so good. May mga upcoming travels pa ako kaya I’m excited sa mga susunod pang araw.

9. What makes you blush? Bawal isagot ang blush on.

Hindi ko alam eh. Siguro kapag nilibre ako sa isang masarap ng kainan. LOL

10. Kung isasa-pelikula ang buhay mo, sino gusto mong gumanap?

Wow, pang pageant ang question na toh ah? Hhmmm.. Si Alden Richards na lang siguro, tutal hindi naman kami nalalayo. Hahaha. Joke lang. Wala lang, humble lang kase siya na tao, parang ako lang. 😀 Kaya ayun, siya na lang siguro.

Kapag hindi available si Alden for the role, kahit si Empoy na lang siguro. At least mas mura talent fee. Hehehe.. 

 

*****

 

Wala pa ako masyado followers eh, at konte pa lang ang kilala ko dito sa Blogosphere. Yung iba namang kilala ko, na-nominate na. Pero sige, try ko na din. Sana napatol sila dito, Heheh..

By the way, Aysa and Space, nawala kayo sa followers ko kase na-migrate kayo nung nag dot com ako. Paki follow na lang ako uli kung ayos lang sa inyo.

 

I want to nominate the following:

Rovi

mybicolblog

cheesecake

Erma Santo

Here are my questions:

  1. Who is your favorite cartoon character?
  2. If there’s one thing you could change about yourself, what would it be?
  3. Do you have regrets in life? If yes, care to share?
  4. What super power would you like to have?
  5. What is your most embarrassing moment?
  6. Who do you want to meet or see in person?
  7. Do you have any mannerism?
  8. Favorite Books? Why?
  9. Funniest way to get someone’s attention?
  10. What are your favorite movies and why?

 

So that’s it for this blog. So far ito na yata ang pinaka-mahabang blog post ko. Malapit na mag 2000 words. Hehehe..

Again, thanks to Aysa and Space for nominating me. Sa mga nominees, I hope you can participate as well. If not, okay lang din. 🙂

God bless everyone..

Shades of Wanderer signature

Advertisements

28 Replies to “Awesome Blogger Award”

  1. Reblogged this on Rovi Diaries and commented:
    THANKS for nominating me! Although I have no clue what “Nomination for Awesome Blogger” is about. Here’s my answers:
    1. Who is your favorite cartoon character? Doctor Strange (comic character)
    2. If there’s one thing you could change about yourself, what would it be? None.
    3. Do you have regrets in life? If yes, care to share?
    >To err is human, of course meron, am not perfect eh! Tao lang! hehe! Regrets on being unforgiving specially to people I love.
    4. What super power would you like to have? Time travel.
    5. What is your most embarrassing moment? >Falling off the stairs at the University Library I was very dumb ass, really.
    6. Who do you want to meet or see in person? Benedict Cumberbatch.
    7. Do you have any mannerism? laughing without having to tell first the joke.
    8. Favorite Books? Why? The Alchemist and The Aleph. Why? I just like Paulo Coelho’s writing.
    9. Funniest way to get someone’s attention? I don’t care. You get my attention, you get it.
    10. What are your favorite movies and why? Too many to mention… but to name a few, Star Wars episodes, Kingdom of Heaven, Doctor Strange, Gladiator… that’s about what I remember lang as for now.

    (I hope I did this right… the Nomination thing) lol

    Liked by 1 person

  2. Ang daming matang lawin moments dito sa post mo! Galing! 👏👏👏
    Hindi lang ako puro aura madami dami na post ko .. andun pa sa draft.. Tips pano umaura ahahaha! Thank you sa pag patol sa Boom Boom Pak Award may natutunan ako.☺️

    Liked by 1 person

    1. Thanks din sa pag-nominate. Nakapag-kwento din ako na hindi related sa travel. Tsaka parang iba pagsusulat ko kapag alam kong hindi kelangan seryoso yung topic. Mas gumagana utak ko. Heheh.. Sige, aabangan ko yang aura tips mo. 😀

      Liked by 1 person

  3. Ayan finollow na ulit kita ha ha….nakakatuwa mga sagot mo, and by the way, kagaya mo gusto ko rin makita ang mga Pyraminds sa Egypt dahil sa mga conspiracy theories na aliens or nephilims daw ang tumulong sa kanila sa paggawa noon dahil napaka perpekto ha ha ha, at pure Chinese din ang LOLO ko ha ha though sa picture ko na lang siya nakita ha ha at hindi ako mukhang intsik ha ha ha

    Liked by 1 person

    1. May mga similarities pala tayo. Ako din may lahing Chinese, pero di rin halata. Hehehe.. And yes, maraming mga theories kung paano talaga naitayo ang mga pyramids. Di ko alam kung ano ang paniniwalaan, basta naniniwala ako na hindi kayang itayo yun ng ordinaryong tao lang. Its either may tumulong sa kanila, or dati ng nakatayo yun dun. Pag may natuklasan ka uli about conspiracy sa pyramids, i-blog mo ha? Kahit gawin mong series, aabangan ko talaga. 😀

      Liked by 1 person

  4. Sa hinaba haba ng post na ito… Ang tanging masasabi ko lang eh… Paano banggitin ng tama ang Orchard Road????
    ????
    Sobrang nawindang ako dun Kuya di ko tuloy alam kung all this time mali ba ang pronunciation ko? Hahaha basahin ko nga ‘yang post ni Ate Aysa after ko mag-comment. ‘Di rin ako makahintay sa mga post mo about your next travels! 🙂

    Liked by 1 person

    1. “Ortsard” daw as per Aysa eh. Ewan ko kung reliable source siya. Hahaha.. Joke lang Aysa. Ako rin, may experience din ako sa SG na nagtaas na ng boses yung tindero kase tatlong beses ko yatang pinaulit yung sinasabi niya. Di ko kase talaga maintindihan. Dami pa namang tao. LOL. Within this month baka i-post ko na din yung byahe ko sa SG.

      Liked by 1 person

  5. Oh. I just learned that you nominated me.My apologies, but please know that I’m happy that there are people who know and recognize my existence here. Hehe. Anyway, I actually don’t participate in blog awards for some reason, so I’ll just post my answers here. 🙂
    1. Who is your favorite cartoon character?
    — Baymax.. I actually didn’t use to have any favorite one until I watched the movie Big Hero. I find Baymax cool.
    2. If there’s one thing you could change about yourself, what would it be?
    — I think it would be my attitude. I think I could change y attitude towards some particular things or in general if I really want to, because having a particular attitude is a choice.
    3. Do you have regrets in life? If yes, care to share?
    — I have a few but my biggest regret is not finishing college.
    4. What super power would you like to have?
    — I’d like to have the power to live an eternal life because one life won’t be enough to do all the things I’d love to do.
    5. What is your most embarrassing moment?
    — My most embarrassing moment was when I got zero (0) when I was in first grade (elementary) just because I couldn’t read yet when I took our first periodical test. lol
    6. Who do you want to meet or see in person?
    — I want to meet God, and also see my father, and my other departed loved ones again even just for a day.
    7. Do you have any mannerism?
    — I’m not sure I have, and i’m worried I have.
    8. Favorite Books? Why?
    — I’m not really into reading books. I easily get bored. I prefer watching movies.
    9. Funniest way to get someone’s attention?
    — by pretending that you’re hurt . lol
    10. What are your favorite movies and why?
    — Forrest Gump, The Green Mile, The Terminal, Letters to Juliet, Divergent, Fast and Furious, and many more. These movies have quite taught me a lot of lessons. I love the actors in these movies, as well. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s