My Last Blog Post… For Now…

4th of July, Independence Day sa United States of America. Ito ang araw kung saan idineklara na hindi na sila parte ng British Empire.

Sa palagay ko tamang araw din ito para sa blog post na ito. Sa araw na ito, baka ito na muna ang huli kong post… “sa ngayon”.

Ito ay sa kadahilanang nakabili na ako ng sarili kong domain at web host. Sa madaling sabi, mayroon na akong sariling website ngayon at aalis na muna ako sa free WordPress.

Ang dahilan ng aking paglipat sa mundo ng dot com ay makikita nyo sa link na ito, http://shadesofwanderer.com/hello-dot-com-world.

Hindi pa ako eksperto sa mundo ng dot com, pero sa pagkaka-alam ko kailangan ko munang i-unplublish or i-private lahat ng posts ko sa blog na ito. Ito ay para hindi malito si Google at para hindi rin ako ma-penalize ni Google sa doble-dobleng article at post.

So kung first time mo mabisita itong blog ko, wag ka na magtaka kung isa lang ang blog post ko. Anyway, nailipat ko naman na yun lahat sa mismong website ko, paki bisita na lang pag may time ka. 🙂

Gagamitin ko pa din itong free WordPress ko para magbasa ng mga blog posts nyo at para makapag comment. Napaka-accessible naman kase ng WordPress app sa phone kaya napakadaling gamitin at makipag-interact.

Kaya parang hindi rin ako nawala, yung mga posts ko lang ang malilipat sa kabilang bahay pero tatambay pa din ako dito.

Kung hanggang kailan ako sa mundo ng dot com, yan ang hindi ko pa masasagot sa ngayon. Only time can tell. Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.

Sa mga nakasalamuha ko dito, maraming salamat sa inyo. At sa mga bagong makakasalamuha ko pa lang, ikinagagalak ko kayong makilala. Naway sundan nyo din ako sa kabilang bahay ko, ang shadesofwanderer.com ..

Mabuhay kayong lahat!

Carpre Diem!

God bless everyone..

Shades of Wanderer signature

Advertisements

4 Replies to “My Last Blog Post… For Now…”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s